Chapter 38: Already Said

29 13 1
                                    

Rose's POV

[Kinaumagahan]

"Ate Rose! Ate Rose! Gising na po kayo!"

Pilit kong binuksan ang aking mga mata dahil sa pagod ko pa. At nang tuluyan na akong nagising, ang unang bumungad sa akin ay si Richie, at nakangiti pa ito ng malapad sa akin.

"Yes! Gising na din po kayo sa wakas! Grabe, ang hirap niyong gisingin!" Medyo natatawang sabi pa ni Richie. Bumangon na ako at saka siya hinarap, "uhm... Bakit parang sobrang saya mo ngayon? Anong meron?" Tanong ko sa kaniya.

"Uh, wala naman po... Masaya lang po talaga ako dahil ito po ang unang beses na makaka-sabay ko po kayo sa pagkain ng breakfast." Sagot ni Richie bago pa mas lalong lumapad ang kaniyang ngiti sa labi.

Nang makita ko ang ngiti ni Richie, bigla akong nakaramdam ng saya sa aking puso. Pero hindi ko ba alam, pero parang may kulang pa din.

Ngumiti ako sa kaniya, pero nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay at hinila palabas ng kwarto. "Tara na po, ate Rose! Kain na po tayo!" "H-Huh? T-Teka lang..." "Naghihintay na po sila sa baba."

Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kaniya at hayaang hilahin ako pababa ng bahay.

At ngayon na nakarating na kami sa kusina ay nakita kong andun na nga silang lahat at nakaupo sa harap ng mesa, pero tanging si Lola Carmelita lamang ang wala doon, kaya naman medyo nakaramdam ako ng lungkot.

"You're late." Rinig kong sabi ni Harris sa akin.

Napansin kong naka-upo lamang silang lahat doon kaharap ang mga pagkain nila. At ngayon ko lang napagtanto na ako na lang talaga ang kanilang hinihintay.

"Buti ay gising ka na. Gutom na kaya ako!" Sabi ni Avery bago pa nag-pout. "Uhm... S-Sorry..." Sagot ko na lang.

Bakit pa nila ako hinintay talaga na magising bago pa sila kumain?

"Sige na, Rose, umupo ka na dito para makakain na ang lahat." Nakangiting sabi ni Lolo Heinz bago niya tinuro yung bakanteng upuan na nasa kanan ni Kyle. "Sige po."

Naglakad na ako patungo doon bago umupo na. At nang nagsimula na kaming kumaing lahat, naisip kong tanungin si Lolo Heinz, "uhm... Lolo Heinz, bakit niyo pa po ako hinintay na magising bago po kayo kumain? Pwede naman pong hindi niyo na po yun gawin?"

Tumigil sa pagkain si Lolo Heinz bago muling ngumiti sa akin. "Yun na kasi ang nakasanayan ng aming pamilya. Hindi kami kakain ng almusal hangga't wala pa ang isa sa hapag-kainan... Pero si Carmelita, wala pa rin siya sa kaniyang malay. Kaya naman hindi niya magagawang maka-sabay muna sa ngayon." Pagkasabi ni Lolo Heinz nung huli ay parang bigla siyang nalungkot, maging si Richie ay ganun din.

Parang mali ata na tinanong ko pa ang bagay na yun. Dapat pala hindi ko na tinanong yun! 'Yan tuloy! Dapat kasi inisip ko muna ito, eh!

"Uh, pasensiya na po." Pagpapa-unmanhin ko. "Hindi, ayos lamang iyon. Wala kang dapat abalahin... Ah, sige na. Kumain na tayo ulit bago pa lumamig ang pagkain." Pag-iibang topic naman ni Lolo Heinz.

But still, I feel a little bit of guilt of what I just asked just now to him.

"O-Okay po..." Nagpatuloy nang muli kami sa pagkain at habang kumakain kami ay bigla na lang nagsalita si Richie, "uhm... Ate Rose, Kuya Kyle, Ate Avery at Kuya... uhm... Harris?" Mukhang hindi pa masyadong sure si Richie sa pangalan ni Harris, at nang makita ko naman si Harris ay nakita kong biglang nag-poker face ang mukha nito.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon