Chapter 25: Quin's Side Story [Part 4]

58 14 1
                                    

Chapter 25: Quin's Side Story: Flower Princess

Brylle's POV

Umaga na at kakagising ko pa lang. Bumangon na ako mula sa higaan ko at inayos ito. Pagkatapos ay saka naman ako lumabas na ng kwarto ko.

Dumeretso ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Quin para gisingin na siya, pero naka-ilang katok at tawag na ako sa kaniya sa pintuan, hindi pa din niya ako pinagbubuksan ni sinasagot. Kaya kinabahan na ako dahil dito.

Agad kong kinuha yung duplicate ng susi ng pintuan ng kwarto ni Quin sa kwarto ko at saka ko naman binuksan yung pintuan ng kwarto niya.

Pero pagkabukas ko, nagulat ako nang madatnan na wala siya dito sa loob.

A-Asaan ka, Quin?!

Hinanap ko siya sa buong apartment ko pero hindi ko pa din siya makita!

Dahil sa sobrang kaba ko, agad na akong lumabas ng apartment ko at lumabas ng building para hanapin siya. Nagbabakasakaling mahanap siya agad.

"Ugh... Where are you, Quin?" Sabi ko habang hinahanap siya.

Halos magpanic na ako dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala siya... Natatakot ako na mawala siya sa akin.

Habang hinahanap si Quin, nakakita ako ng isang babae na nakatalikod mula sa akin. Nang makita ko ang kulay ng buhok nito, kulay ng balat, weight, at kung gaano ito katangkad, hindi na ako nagdalawang isip pa. Nabuhayan na ako ng loob dahil alam kong si Quin na ito.

"Ano ba 'yan, Quin! Andiyan ka lang pala! Bakit hindi ka man lang nagsabi na dito ka lang pala pupunta? Pinakaba mo talaga ako ng husto..." Natigilan ako nang iniharap ko yung babae sa akin, hindi si Quin yung nakita ko. Ibang babae toh!

Nakamali ako!

"What the hell?! What's your problem?!" Iritang tanong nung babae. "Ah, s-sorry po. Nagkamali ako." Sabi ko naman dun sa babae bago agad ng umalis dito.

Ugh... Asan ka na ba talaga, Quin?!

Habang hinahanap si Quin, hindi ko namalayan na lumuluha na ako. Hindi ko ba alam, pero sa buong buhay ko, ngayon ko lang naransanan ang ganitong pakiramdam. Ngayon lang ako kinabahan ng husto dahil lang sa isang tao.

Napatingin ako sa isang batang babae na nakasalubong ko lang ngayon. May hawak siyang bulaklak at napakaganda nito. Pero hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na lang sa paghahanap kay Quin.

Pero ilang sandali lang ay may nakita na naman akong ilang mga bata na may hawak na bulaklak at tuwang tuwa sila dito. Pero mas lalo akong nagtaka na hindi lang mga bata ang may hawak na mga bulaklak, kundi mga matatanda na din.

May occasion ba ngayon?

"Grabe, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na bilhin itong bulaklak, pero dahil dun sa babaeng yun, napabili ako nito." Rinig kong sabi ng isang lalaki kaya napatingin ako dito. May hawak din itong bulaklak.

"Yeah, and she's beautiful too." Rinig kong sabi pa ng isang lalaki na may hawak ding bulaklak. "Dahil sa kaniyang mala-anghel na mga ngiti at maamong mukha, talagang mapapabili ka ng bulaklak kahit ayaw mo."

"Mama! Tignan mo oh! May bulaklak ako!" Napatingin naman ako sa isang batang babae na pinapakita sa kaniyang nanay ang hawak niyang bulaklak "Napaka-ganda naman niyan, anak. Saan mo yan nakuha?" Tanong ng nanay dito sa anak. "Wala po kasi akong pera, pero dahil po sa sobrang bait nung magandang babae na nagtitinda nitong bulaklak, binigay niya na lang po ito sa akin ng libre!" Sagot naman ng anak. "Wow. Mabuti naman kung ganun." Sabi naman ng nanay sa anak.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon