Chapter 47: Hyacinth

31 13 0
                                    

Rose's POV

“Hindi kaya... You've already found your magic?”

Parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa utak ko yung sinabi ni Kyle sa akin nung gabing iyon.

Yes... I think... You're right.”

At hindi rin naman ako makapaniwala sa sinabi ko. Pero kahit ayoko man maniwala, malakas na talaga ang loob ko na nahanap ko na talaga ngayon ito.

Siguro... Talagang totoo sila Ate at Papa. Ampon lang talaga ako at hindi ako totoong anak ni Mama. Imposible rin naman kasi talaga na mangyari yun, kasi iba ako sa kanila.

Pero... Kung ampon lang talaga ako, sino yung totoo kong mga magulang? Buhay pa ba sila? Kung buhay pa nga sila, gusto ko silang makita at makilala. Marami rin akong gustong itanong sa kanila.

"So, you've already found your magic na nga! Sabi ko sa'yo eh! You're a magicae!" Rinig kong sabi ni Quin habang naliligo siya sa banyo.

At ako naman ay kasalukuyang nakaupo dito sa kama ko habang hinihintay siyang matapos. Sabay kasi kaming papasok ngayon.

"But what kind of magic you have?" Dugtong pa niya. Actually, yun din ang gusto kong malaman. Hindi ko alam ang tawag doon kasi bago pa lang naman ako sa mga ganito, basta ang alam ko lang ay ang abilidad nito.

"I don't know what it's called, but the only thing I knew is it's ability." "Ahhh, then what can you do?" Tanong niya pa.

"I think... I can just see the future while sleeping. But I don't know if it's really that helpful, because it is so plain. Hindi ito katulad nung inyo. Siguro, I am really that useless –" natigil ako sa pagsasalita nang bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa banyo.

"Don't say that! You're not useless and your magic is not plain, remember that! Every one of us has an amazing and powerful magic. Kaya wag mong isipin na wala kang kwenta. Kasi I know na malalaman mo rin kung paano mo gagamitin ang iyong mahika. Masasanay ka rin." Sabi ni Quin.

Hindi na ako nakapagsalita nang sabihin niya ito. Lahat ng mga sinabi niya sa akin ay parang halos bumalot na sa buo kong pagkatao. Quin has a point, so I don't have to feel anxious to myself.

Napalingon naman ako sa gilid ng kama ko kung saan nakapatong yung binigay sa akin ni Kyle nung gabing iyon, kaya kinuha ko ito at pinagmasdan ng maigi.

Hmmm... Mukhang wala naman masyadong meron dito sa binigay niya sa akin. Isa lamang itong simple na bamboo-like na bakal na pahaba at may tali lang sa dulo nito for handle.

Pero hindi mo maiisip na kaya nitong maging weapon sa kahit na anong gusto mo. Pero hindi ko rin naman ito mapapatunayan kung hindi ko makikita ang talagang kaya nitong gawin.

Habang tinitignan ko ng maigi itong bagay na ito, may napansin akong nakaukit sa gilid nito. Maliit lang ito kaya hindi ko ito agad napansin. Pero napagtanto ko na nakaukit ito sa hugis ng isang cloverleaf.

Pero nang saktong pagkalagay ko ng aking thumb dito sa nakaukit na ito, nagulat ako nang biglang lumubog itong nakaukit ng hugis ng isang cloverleaf, at ang mas ikinagulat ko ay ang pagliwanag nito ng kulay asul.

And at the same time, bigla na lamang ako nakaisip ng isang weapon at naisabi ko ito ng malakas. "Bow and arrow!" at saktong pagkasabi ko nito, nagulat ako nang biglang nagform nga ito sa nasabi kong weapon!

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon