Chapter 44: Awake

44 13 1
                                    

Rose's POV

H-Hindi! Hindi ito maaari!

Agad nilapitan nila Avery at Harris si Kyle, at agad rin akong lumuhod sa tabi niya upang tignan ang kalagayan niya.

Walang malay si Kyle ngayon kaya halos mataranta na ako dito, "K-Kyle!" Nanginginig ang boses ni Avery nang makalapit na sila dito.

Pero nang aktong bubuhatin ko na si Kyle para ipatong sa lap ko, nagulat ako nang may naramdaman akong medyo malapot na kung ano sa likod niya. At nang angatin ko ang aking kamay para tignan ito, bigla na lang akong nagulat nang makitang punong-puno na ng dugo ang aking kamay.

D-Dugo?

Muli kong ibinalik ang aking tingin kay Kyle at nagulat ako nang makitang mas lalong lumaki ang sugat niya sa kaniyang likod at bumubulwak na ang mga dugo dito, kaya kumakalat na ito sa sahig.

Pero sa hindi inaasahan na pangyayari, habang gulat na tinitignan ko ang sugat at bumubulwak na dugo dito, bigla na lang nanlabo ang aking mga mata at maging ang aking pandinig ay nanlabo rin! Pero nararamdaman kong nanginginig ang buo kong katawan at nakakaramdam ako ng takot.

B-Bakit ko ito nararamdaman?!

Sinubukan kong tignan ang aking paligid pero lahat sila ay malabo, at maging ang kanilang mga boses ay malabo rin para sa akin!

"HEY!!!"

Pero nagulat na lang ako nang bigla akong nakaramdam ng isang napakalakas na sampal galing kay Harris, at sakto ay muling nagbalik ang malinaw na paningin ko at pandinig.

At ngayon ay nakita kong nasa harapan ko na si Harris at mukhang iritado ang mukha niya, "huwag ka ng magpadagdag pa sa mga gawain." Aniya bago umalis na sa aking harapan, pero nakita kong nakaluhod na si Lolo Heinz sa harapan ni Kyle at mukhang sinusuri niya ang katawan ni Kyle.

"Magiging maayos lang siya, diba?" Nag-aalalang tanong ni Avery kay Lolo Heinz.

Tinignan ni Lolo Heinz ang likod ni Kyle at napansin kong biglang napakunot ang kaniyang noo nang makita ang lalim ng sugat nito at ang walang tigil sa pagbulwak ng dugo mula dito. "Malubha ito... Kailan pa ito?!" Tanong ni Lolo Heinz bago niya kami lingunin.

"T-Tatlong araw na po simula nung nagkasugat siya ng ganiyan." Sagot ko naman habang hindi tumitingin sa sugat ni Kyle at sa mga dugo sa sahig.

"Kung hindi ito maaagapan na agad ngayon, maaari siyang mamatay dahil sa mga nawalang dugo sa kaniyang katawan!" Tugon naman ni Lolo Heinz bago pumunit ng tela sa kaniyang damit bago ito inikot sa sugat ni Kyle upang patigilin ang pagbulwak ng dugo sa kaniyang sugat.

Pero nagulat kami nang biglang sunggaban ni Avery si Lolo Heinz at kinuwelyuhan, "A-Anong sabi mo?! Hindi mamatay si Kyle! Hindi iyon maaaring mangyari!" Nanginginig ang boses ni Avery at napansin kong may luha rin na gumuhit sa kaniyang pisngi. Pero buti na lang talaga ay agad na inawat ni Harris si Avery at inilayo kay Lolo Heinz.

W-What have I done? Kasalanan ko na naman ito!

Dahil sa akin, hindi namin nahanap ang misteryosong bulaklak para gumaling ang sugat ni Kyle.

It's all my fault again!

"What?! Let go of me! You don't understand what I feel, Kuya!" Singhal ni Avery kay Harris bago nagpupumilit na makawala sa mga braso ni Harris na nakapulupot sa kaniyang katawan upang pigilan siya. "Naiintindihan kita! Pero–" "Naiintindihan?! Ha! Kailan pa?! Ni isang beses ay hindi mo ako naintindihan–"

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon