Chapter 61: Protect Her!

32 1 0
                                    

Rose's POV

"AHHHHH!!!" Napasigaw ako ng sobrang lakas dahil sa pagkagulat!

Aktong tatakbo na ako ulit palayo, subalit bigla na lang may kamay na humablot sa akin. Kaya naman agad akong pilit na nagpumiglas dito, pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin at hindi ko magawang makawala mula dito.

"Bi-Bitawan mo ako!!!" Sigaw ko at pilit ko pa rin ang pagpupumiglas upang makawala mula sa kaniyang mga kamay.

"Hey! Hey! Hey! Kalma! Ako ito!" Pero natigilan naman ako nang bigla kong narinig na nagsalita ito.

Kaya agad akong napalingon sa mukha nito, at kasabay nito ang pagtama ng liwanag ng buwan sa kaniyang mukha.

Nanlaki naman bigla ang aking mga mata nang makita ko kung sino ito.

"K-Kyle!" Sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa kaniya.

Natatakot ako. Sobra ang naramdaman kong pagkatakot doon sa aninong humahabol sa akin. Pero natatakot rin akong pati siya ay mawala rin sa akin.

"Y-You're safe!" Nanginginig na ang aking boses dahil halos maiyak na ako.

"Yeah, I'm also glad that you're safe too... By the way, are you alright? Bakit ka naiyak? And... You look scared."

Bigla naman akong natigilan nang bigla ko ulit naalala yung anino na humahabol kanina sa akin.

N-No way... At this rate, maaabutan na kami nun ngayon!

"M-M-May isang parang anino ng tao ang humahabol sa akin! At andoon siya ngayon..." Pagkalingon ko doon sa humahabol kanina sa akin ay nagulat ako nang makitang wala na ito dito.

H-Huh? Nasaan na yun?

"Hm? Parang anino ng tao? Wait... Baka namamalik-mata ka lang?" "No! Sigurado akong hindi ako nagkakamali sa nakita ko! Kasi... Kasi..." Bigla ko na lang ulit naalala yung nangyari nung nakaraan.

Yung araw na nakita mismo pati nila Ate yung nilalang na iyon.

"Saglit... Hindi kaya..." Nagulat na lang ako nang bigla akong hinawakan ng sobrang higpit ni Kyle sa kamay at saka tumakbo papalayo.

"Huwag kang bibitaw sa aking kamay. You're safe if I'm with you. Walang makakapanakit sa iyo hangga't kasama mo ako." Sabi ni Kyle habang patuloy lang sa pagtakbo at hawak ako sa kamay.

"P-Pero-!" "Some trespassers came inside our school! Mga magicae rin sila. At lahat sila ay narito para atakihin ang bawat isa sa atin. Kaya baka yung iyong nakita kanina ay sila na pala yung mga iyon. Hindi ko pa alam kung ano ang kanilang intensiyon sa biglaang pagpasok nila dito. But for now, we'll fight. And I'll fight to protect this place, especially you."

May point si Kyle sa kaniyang sinabi. And it is possible na isa iyon sa mga outsiders na magicae dito. But I just can't understand why are they after us? Bakit nila kami inaatake?

And as far as I know, wala naman kaming ginawang masama sa kanila dahil hindi nga namin alam na mayroon pa palang ibang mga magicae maliban sa mga taong andito sa lugar na ito.

But... Ano yung mga sinasabi nung babae kanina sa akin? Bakit parang galit na galit siya?

"Rose... I heard, partner mo si Chris? But... Asaan siya ngayon?" Bigla akong natigilan sa pagtakbo nang marinig ko ang kaniyang tanong.

***

Harris' POV

Parehas kaming naglalakad ni Quin dito sa kagubatan habang patuloy pa rin sa paghahanap doon sa Trickster.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon