Chapter 22: Quin's Side Story [Part 1]

71 14 1
                                    

Quin's POV

Ugh... Asaan ako?

Lumingon ako sa buong paligid at wala akong ibang nakita kundi ang mga matataas na mga puno. Gabi na at madilim na din sa buong paligid at halos wala na akong masyadong makita. Tanging ang maliwanag na buwan sa langit ang nagsisilbing liwanag na lamang sa paligid.

Napadaing ako dahil sa naramdaman kong sakit at pagkahilo sa aking ulo.

Natigilan naman akong bigla nang naisip kong bakit at paano ako nakarating dito? Sinubukan kong alalahanin ang lahat, subalit wala akong ibang maalala bukod sa pangalan at kapangyarihan ko lang.

Pero ilang sandali lang ay bigla ko naman narinig na tumunog ang aking tiyan, kaya napahawak ako dito. Gutom na ako.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagsimulang maglakad upang makahanap ng makakain kahit na madilim na sa paligid. Subalit hindi pa man masyadong malayo ang aking nalalakad, may naaninag akong mga ilaw sa medyo bandang dulo nitong gubat.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa marating ko iyon. At nang marating ko na ito, napagtanto ko na wala na ako sa loob ng gubat.

Sobrang daming mga matataas na buildings na may ilaw sa paligid, mga sasakyan na nagsisidaanan sa daan, at mga tao na naglalakad.

Subalit napapansin ko kung paano makatingin sa akin ang mga tao na nasa aking paligid. Ano bang meron sa akin at ganiyan na lamang nila ako tignan? Pangit ba ako?

Hindi ko na lamang sinalubong ang kanilang mga matang nakatingin sa akin at ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad.

Habang naglalakad ay narinig kong muli ang pagtunog ng aking tiyan. Dalawang kamay ko na ang nakahawak sa aking tiyan. Sobrang gutom na gutom na talaga ako.

Subalit sa kalagitnaan ng aking paglalakad, nakalanghap ako ng kung anong amoy na mas lalong nakapagpagutom sa akin. Sa sobrang pagkagutom ay sinundan ko ang amoy kung saan ito nanggagaling.

Pero bigla naman akong nauntog sa isang malaking babasagin na pintuan nang magsara ito bigla. Sa loob nito nanggagaling ang nakakatakam na amoy.

Napatingala ako sa taas nitong lugar at nakita kong may nakasulat dito. "Ramen Shop?" Basa ko dito.

Napalingon naman ako sa isang lalaki na nasa loob nitong shop na kumakain ng ramen katabi lamang ng malaking babasagin na pader nitong shop. Lumapit ako dito kahit na nasa labas ako ng shop bago tinitigan ang pagkain na kaniyang kanakain. Ang titigan pa lang ito ay nakakagutom na ng husto.

---

Brylle's POV

Ugh... Nakakapagod ang trabaho ngayon! Mabuti na lang talaga at dumeretso muna ako dito sa paborito kong ramen shop at dito kumain.

Habang kinakain ko ang paborito kong ramen, napatingin ako sa aking harapan at nagulat naman ako nang makita kong may babaeng nakatitig sa aking pagkain at naglalaway na ito. Nakita ko naman kung paano rin ito lumunok. Halatang nagugutom na ito.

Wait... Looking at her dress... Is she a homeless?

Tutal ay paalis na din naman ako, umorder na lang ulit ako ng panibagong ramen. Pagka-order ko ng ramen, saka na ako lumabas ng shop. Habang naglalakad ako patungo doon sa babae, napansin ko ang kaniyang pagtitig sa akin and that makes me uncomfortable.

Nang makalapit na ako sa kaniya, saka ko ibinigay sa kaniya yung ramen na inorder ko "hey, sa'yo na lang ito. Kainin mo 'yan." Pagkasabi ko nito ay nagulat ako nang bigla niyang hinablot sa akin yung ramen na hawak ko na nakalagay sa lalagyanan, at agad itong kinain.

Enchanted School [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon