27

68 10 0
                                    

Justice's POV

"Tulala na naman ang Nano."

Mabagal kong nilipat ang tingin kay Kil. Nakaupo ako ngayon dito sa hagdan kung saan ako umiyak. Ito na ang naging pwesto ko tuwing may libreng oras. Umupo siya dalawang baitang ang layo sa akin.

"Sinabi ko sa kaniya na kakalimutan ko na siya." kwento ko.

Walang reaksyon do'n si Kil kundi ang nakakakilabot niyang ngisi. "Kaya pala."

"Ha?" nangunot ang noo ko. Umiling siya.

"Kailan mo sinabi?" tanong niya.

"Noong Linggo."

"Huwebes ngayon. Ilang araw na." bulong niya, natatawa. "Nagkita na kayo mula noong Linggo?"

Kinunotan ko siya ng noo. "Sabi ko, kakalimutan ko na siya. Bakit pa ako makikipagkita?"

"Tanga. Ang ibig kong sabihin, kahit sulyap hindi mo siya nakita?"

Umiling ako. "Bakit pa?"

"Kawawang nilalang." bulong niyang muli habang tumatawa.

Wala namang nakakatawa.

Sa totoo lang, hindi ako nakakatulog ng maayos mula noong Linggo. Hindi ko malimutan ang sakit na bumalatay sa kaniyang mukha nang marinig ang sinabi ko. Tila ba, iyon ang kumpirmasyon na naaalala niya talaga ako. Pero, bakit hindi niya ako hinabol?

"Balita ko... nasa opisina siya ng Headmaster ngayon."

Nilingon ko si Kil. "Malamang isa siyang Konseho e."

Inirapan niya ako. "Narinig kong, dadalhin siya sa dungeon."

Bahagya akong kinabahan pero binalewala ko. "Siya ang nanghuhuli sa mga lumalabag sa batas kaya siya nando'n."

"Bobo. Dadalhin siya. Ibig sabihin siya ang ihahatid sa dungeon."

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. "To... totoo? Bakit daw?"

Ngumisi siya. "Sabi mo kakalimutan mo na siya?"

Sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran. Natawa siya.

"Naparusan ang Konseho mo. Nagwala at gumamit ng kapangyarihan ng wala sa tamang sitwasyon. Halos gumuho ang lupa noong nakaraan. Hindi ko naramdaman iyon?"

Napatayo ako. Kabado. Nasa tore ako noong nakaramdam ng pagyanig ng lupa at ang akala ko noon ay may nag-eensayo lang. Kumalat ang pag-aalala sa sistema ko.

"Kumusta siya? Hanggang kailan daw siya roon? Bakit siya nagwala? Sino ang umawat sa kaniya? Na... nasaktan ba siya?"

Nataranta ako nang pinanood lang ako ni Kil. Tila siyang-siya siya na makitang matanranta ako.

"Mukha kang langgam na iniwan ng kasama." natawa siya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pwede ba akong pumunta roon?"

Hindi pa ako nakakarating sa dungeon. Ni hindi ko alam kung saang parte iyon ng akademya.

"Bawal ang langgam do'n."

Mas sinamaan ko siya ng tingin. Akala ng lahat, seryoso itong si Kil at nakakatakot pero ang totoo, wala siyang kwentang kausap.

"Sino ang umawat sa kaniya?"

"Ang Unang Konseho."

Napatango ako. "Hanggang kailan siya roon?"

Nagkibit-balikat siya. "Ba't 'di mo siya tanungin?"

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon