22

86 10 0
                                    

Justice's POV

Nagtagal ako roon ng ilang oras. Palubog na ang araw nang maisipan kong bumalik na sa tore. Kung ano pa ang pinakamahalaga, iyon pa ang hindi ko nalaman. Paano ko kikilalanin ang mga magulang ko kung kahit ang mga pangalan nila ay hindi ko alam?

"Lahat ng angkan... may sikretong tinatago."

Kung iisiping mabuti, kasalanan ng aming angkan ang nangyari base sa mga sinabi ni Atansia. Sila ang nagsimula ng gulo at nabanggit din ni Atansia ang angkan ng Sien. Sino ang mga ito? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin dahil imbis na magalit ako sa angkan nila, gusto ko silang makilala at tanungin kung bakit umabot sa ganito ang nangyari. Maliit ang angkan ng mga Sien... saan ko kaya sila makikita?

Siguro kaya ganito ang takbo ng isip ko ay dahil hindi ko nakasama ang pamilya ko. Wala sa kanila ang tiwala ko at desisyon.



"Ang tahimik mo," rinig kong sabi ni Elraiden bago ilang ulit na hinalikan ang ulo ko.

Malakas ang hangin rito sa maliit na bahay sa tuktok ng puno pero hindi ko ramdam ang lamig dahil sa mainit na katawan ni Elraiden sa aking likod. Mahigpit siyang nakayakap sa akin habang nakaupo kami rito sa labas ng maliit na bahay. Nakababa ang mga paa ko sa ere at ang mga kamay ay nasa hamba. Malapit ng maghating gabi.

"Ninanamnam ko ang katahimikan ng lugar na ito, Elraiden."

Inamoy niya ang buhok ko bago binaon ang mukha sa aking leeg. "Hmm. Ang bango mo."

Napanguso ako. Ilang linggo na ang lumipas mula noong nagbukas ang bagong taon. Sa isang Linggo ay buwan na ng Inths. Hindi na muling nagpakita sa akin si Auxcel pero minsan ay nararamdaman ko ang presensiya niya malapit sa akin.

Mas pinili kong huwag na lang isipin nang isipin ang mga nalaman ko kay Atansia. Naniniwala naman akong dadating ang araw, malalaman ko rin ang lahat. Tadhana mismo ang magdadala sa akin sa katotohanan. Sa ngayon, kung ano ang nasa akin, iyon lang ang paglalaanan ko ng atensyon.

"Kahit saang lugar, basta kasama ka, payapa ako. Salamat, Justice. Dito lang ako sa tabi mo, ha?"

Matamis akong ngumiti bago tumango. "Mahal kita, Ikaanim."

Ilang buwan ang matuling lumipas. Wala namang nangyaring masama katulad ng sinabi ni Auxcel. Walang dumating na panganib. Tahimik ang buhay ko at masaya.

Natatawa ako sa mukha ni Elraiden ngayon. Kanda haba ang nguso niya at nagmamaktol sa harap ko. Sa lumipas na mga buwan, mas naging malapit kami ni Elraiden sa isa't-isa. Walang araw na malungkot ako kapag siya ang kasama. Mas lalo ko ring naramdaman ang pagmamahal niya sa akin. Sobra niya akong alagaan at paalalahanan tungkol sa mga bagay na madalas kong makalimutan. Sanay na sanay ako sa presensiya niya at atensyon sa akin at kapag nawala siya, baka ikamatay ko.

"Hindi nakakatawa. Matagal akong mawawala tapos tumatawa ka pa diyan." parang batang pinagkrus niya ang mga braso at tinalikuran ako.

Pigil ang tawang hinarap ko siya sa akin. Naglalaglagan ang mga dahon mula sa puno. Ilang oras pa bago magtanghalian.

"Hey... natutuwa lang ako sa mukha mo."

Napasinghap siya. "What? Mukha ba akong payaso?!"

Namilog ang mga mata ko. "Hindi! Ang laki mo kasing tao tapos kung umakto ka para kang bata."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Aalis na kami mamaya dahil sa misyon namin. Ito ako, nalulungkot dahil hindi ka makikita ng ilang linggo tapos ikaw tinatawanan lang ako. Hindi mo na ako mahal!"

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon