37

163 11 0
                                    


Justice's POV


Mariin akong napapikit nang tumama sa aking mata ang sinag ng araw. Nang bumalik ang aking kamalayan ay humahangos akong napabalikwas ng bangon. Naramdaman ko ang paglaglag ng isang braso sa aking binti na noo'y nasa aking baywang. Natulala ako sa matigas na brasong iyon ng ilang segundo. Kumabog ang dibdib ko habang ginagapang ng tingin ang may-ari ng braso sa aking binti.


Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ikaanim na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Nakaharap siya sa akin at may ngiti pa sa labi. 


Napalunok ako. Hindi ito panaginip.


Ang maliit kong higaan at si Ikaanim. Nagsusumigaw ang lumang higaan ko ng tulong dahil sa pagdominente ng makisig na katawan ng Ikaanim na Konseho. Tila pilit nitong pinapapangit ang anyo ni Ikaanim ngunit hindi ito nagtagumpa dahil saan man ipwesto ang huli ay nangingibabaw pa rin ang kagandahang hatid ng awra niya. Ang presensiyang kinagiliwan ko noon ay nakikita at nararamdaman ko na muli ngayon.


Ang nakahahawang awra niya, iyong bang kahit anong problema mo ay mahahawa ka sa liwanag na dala ng kaniyang presensiya. Hindi ko gaanong nakita ang kaniyang mga mata kagabi. Nakagat ko ang labi. Gusto kong masilayan muli ang naghahalong kaseryosohan at mapaglarong emosyon sa kaniyang mga mata.


Mabagal kong inangat ang isang kamay upang haplosin ang malambot niyang buhok. Medyo humaba na ito. Isa sa unang tumawag ng pansin ko noong unang beses naming magtagpo ay ang kaniyang kahel na buhok. Napakalambot nito, tila naka hawak ako sa isang malambot na tela.

Nasapo ko ang bibig habang tinitigan ang gwapo niyang mukha. Namuo ang ngiti sa aking labi, sabay kaming natulog! Yumuko ako para mas lalong masilayan ang kaniyang kilay pagbaba sa kaniyang pilik-mata hanggang mapunta sa labi. Ibabalik ko na sana ang tingin sa kaniyang pikit na mga mata nang bigla itong kumurba. Nagulat ako nang mauwi ito sa mahinang tawa. Mas nagwala ang puso ko.

"I'm so happy right now." malambing niyang bulong bago minulat ang mga mata. Maaliwalas ang kaniyang mukha ngunit bakas pa rin ang pag-iyak kagabi.


Wala akong reaksyon. Nakatingin lang ako sa kaniya kahit pa nagsasayaw na sa tuwa ang loob ko. Sa isip ko ay nagtatatalon ako sa saya. Ito ang araw na matagal ko nang hinihintay. Ang masilayan ang mga emosyon sa kaniyang mga mata ay tagumpay na natabunan ang lungkot na bumalot sa akin mula noong nakulong ako rito sa tore.


Nawala ang tawa niya nang hindi ako nagsalita at nakipagtitigan lang. Napanguso siya bago ako kinabig ng yakap. Nahila niya ako pahiga.

"I'm nervous, Binibini." tila naalarma siya.

Ilang beses akong kumurap. Halos umibabaw na siya sa akin habang nakanguso na parang bata.

"I want to hear your voice. For the past years, I've been longing to someone's laugh and voice. I feel like something was missing within me and I want to find what it was. Who it was." tumigil siya, "I was always looking for you even though I did not have any idea who I was looking for." 

Masuyo niyang hinaplos ang aking kanang pisngi. Napaawang ang bibig ko nang isa pang emosyon ang nakipaglaban sa kaniya ng mga mata. Tinatalo nito ang dalawang emosyon na natural nang nandoon. Takot. Binalot ng takot ang kaniyang mga mata. Labis na kirot ang naramdaman ko sa aking dibdib.

"I perfectly remembered the sound of your voice, your scent, and even the way you bore your eyes into me. Everything was clear but your face... your name," napalunok siya, tila pinipigilang mapaiyak ulit, "when I saw Elvis and Asnia's suffering and sacrifices last night, your beautiful face briefly flashed in my mind. It was too fast that I begun to question my life. My memories of you awakened when Elvis vani..." tumigil siya at napaiwas ng tingin.

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon