40

185 10 3
                                    



Justice's POV


Naging magaan ang mga sumunod na minuto sa aming pagitan. Nagkuwentuhan pa kami ng ibang bagay hanggang sa makarinig kami ng pamilyar na tunog ng sapatos.

Maze.

"She's here." kaswal na bigkas ni Ikaanim. Tila sanay na siya sa dala ng presensiya ni Maze.

Napanguso ako. Hindi na dapat Ikaanim ang tawag ko sa kaniya dahil malapit na siyang bumaba sa pwesto.

"El," malambing kong tawag.

Nagugulat siyang lumingon sa akin.

Napangisi siya, "tawagin mo ako ulit." suyo niya.

Napahagikgik ako. "El,"

Natawa siya. "Kahit anong tawag sa akin, lakas talaga." sinapo niya ang kamay ko at dinala sa kaniyang dibdib, bandang puso. Ang lakas ng tibok nito.

"Wow."

Napangisi siya, "titigil ito sa pagtibok kapag nawala ka," parang batang simangot niya.

Nangunot ang noo ko at tinitigan lang siya. Napakamot siya sa ulo at natawa.

"What a sight." naibigkas ng pinakamagandang babaeng nakita ko gamit ang pantay na tono.

Nilingon namin si Maze na ngayon ay pormal na naglalakad habang ginagala ang tingin.

Maliit akong napangiti. Napakaganda niya talaga, bawat himaymay ng kaniyang anyo.

"Maze," tawag ko.

Gusto ko siyang pasalamatan ngunit hindi ko alam kung saan magsisimula.

Tumigil siya sa tapat ng malaking bintana at tinanaw ang gusali ng akademya.

"Leave us."

Napanguso si El. Niyakap niya ako at muling hinalikan sa noo. "Babalik ako mama--."

"Tomorrow." putol ni Maze.

Namilog ang mga mata ko.

Tinitigan ako ni El at ayaw pang umalis pero wala nang nagawa.

"That's your mattress?" simpleng tanong niya matapos ang ilang sandali.

Tumango ako. Wala namang bahid ng kahit ano sa pagkakatanong niya ngunit bigla akong nahiya.

"We won't fit there together tonight. It's too small."

Muling namilog ang mga mata ko.

"Dito ka matutulog?"

Tipid siyang tumango. Pakiramdam ko ay may kung anong nagwala sa puso ko nang ngumiti siya.

Nilakad niya ang distansiya naming dalawa at ang sunod niyang ginawa ang mas nagpagulat sa akin.

Niyakap niya ako. Mahigpit na yakap.

Agad namasa ang mga mata ko nang kumalat ang init na dala ng kaniyang yakap sa aking puso.

"I missed you, Eullen." mahina niyang bulong.

Tuluyan na akong naiyak at niyakap siya pabalik.

Ganito ang yakap ng isang kapatid. Ang sarap sa pakiramdam.

"I'm glad you are safe and sound. I made the right choice."

Mas lalong lumakas ang iyak ko. "Maze..."

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon