9

122 13 0
                                    


Justice's POV

"Kanina ka pa rito sa talon, hindi ka ba maliligo?" baling sa akin ni Diwa.

Umiling ako. Linggo ngayon. Lahat ng estudyante ay nagsasaya sa bagong patakarang ginawa ng mga bagong Konseho. Noon kasi ay mahigpit na pinagbabawal ang paglabas at paggawa na anumang walang kinalaman sa pag-aaral tuwing Linggo. Pero noong Biyernes lang, inanunsiyo ng Konseho na ang araw ng Linggo ay malaya ang mga estudyante na gawin ang kahit anong gustuhin nila. Walang batas na magbabawal.

"Alam mo naman na hindi ako marunong lumangoy." muli kong tinapon ang batong hawak sa tubig. Isang beses iyong tumalbog sa ibabaw bago lumubog.

Lumipad sa harap ng aking mukha si Diwa at namaywang. Ang magandang mukha ay may pagdududa.

"May sinabi sa akin ni Iela." naningkit ang mga mata niya at ang labi ay bahagyang napanguso.

Iniwas ko ang mukha sa kaniya para muling maghagis ng bato sa tubig. "Sinabi mo sa kaniya ang tungkol kay Elraiden." napasimangot ako.

"Nadulas lang din ako." umiwas siya ng tingin at bumalik sa aking hita para umupo.

Nagkibit-balikat ako. Magkaibigan silang dalawa. Hindi na dapat ako nagulat na sinabi niya iyon sa kaibigan. Ayon sa nabasa ko, hindi mo dapat nililihiman ang iyong kaibigan.

"Linggo ngayon, hindi ba dapat ay nandoon ka sa likod ng akademya kasama si Iela para magbantay? Ano ang ginagawa mo rito?"

"Nagpapahinga lang ako." ngiwi niya.

"Pwede ba iyon? Ang alam ko, may tamang oras ang inyong pahinga, ah." kunot-noong sabi ko.

Napanguso siya. "Hmp. Ayaw mo ba na nandito ako?"

"Ha? Syempre gusto. Pero kasi..."

Nanliit ang mga mata niya. Hindi naniwala sa aking sagot. "Siguro magkikita kayo rito, ano?"

Namilog ang mga mata ko. "Hindi, ah!" tumaas ang boses ko sa gulat. Paano niya naisip iyon?

Huling kita ko kay Elraiden ay noong Biyernes pa. Kahit hindi ko siya nakita kahapon ay ayos lang dahil nakausap ko naman siya noong huli. Masaya na ako at kontento roon.

"Bakit naman kami magkikita ni Elraiden?" maliit na boses kong tanong.

Napairap siya. "Ha! Wala naman akong binanggit na pangalan. Elraiden pala, ha."

Mas nanlaki ang mga mata ko. Marahas akong umiling. "W-wala nga."

"Gusto mo siyang makita, 'no?" ngumisi siya.

Napanguso ako bago tumango. "Oo... pero hindi kam---"

"Hindi raw. Eh, bakit nasa likod mo siya ngayon?"

Gano'n na lang ang kabog sa dibdib ko sa sinabi niya. Nataranta ako at agad nilingon ang likod. Napaawang ang bibig ko at mas lalong namilog ang mga mata.

Totoo ang sabi ni Diwa. Ilang metro ang layo sa akin, sa isang puno, nakasandal, magkakrus ang kaniyang mga braso habang nakatingin sa akin at may ngiti sa labi. Elraiden.

Nanibago ako sa kaniyang kasuotan. Simpleng damit lang iyon at pantalon. Dahil sa malikot na hangin ay mas bumabakat ang kaniyang katawan sa suot na puting damit. Ang buhok na kulay kahel ay bahagyang tumatabon sa kaniyang noo.

"Aalis na ako. Hinay-hinay sa paninitig, Justice. Baka magulat ka, tunaw na siya sa harap mo." humalakhak si Diwa bago lumipad palayo.

Hindi siya kita ng ibang tao kaya malakas ang loob niyang sabihin iyon. Hindi ko pinagtuonan ng pansin ang sinabi niya.

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon