29

77 9 1
                                    

Justice's POV

Hindi mawala ang ngiti ko habang tinatahak ang gubat pabalik ng tore. Sobra akong natuwa sa regalong binigay ni Kil. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang kaarawan ko pero wala na akong pakialam.

Tiningala ko ang bilog na buwan. Hindi ko napansin, nawala nga si Elraiden sa tabi ko, dumating naman si Kil. Masiyado kong tinuon ang pansin kay Elraiden, hindi ko inisip na hindi naman talaga ako nag-iisa dahil may mga kaibigan ako.

Si Kil, Diwa, Iela at isama pa si Yllak na minsan ay kinakausap ako kapag nagkakasalubong kami sa pasilyo.

Marami pang dapat ipagpasalamat, Justice.

Kapag talaga nawawala sa atin ang pinakaimportanteng tao sa ating buhay, una nating naiisip na mag-isa na lang tayo kahit na ang totoo ay hindi naman.

Pagbalik ng tingin ko sa daan ay nawala ang ngiti ko. Mula sa punong madalas naming paglipasan ng oras noon ni Elraiden, nakatayo roon si Elaitha habang nakatingala sa tuktok ng tore.

Napaatras ako. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang kuryosidad at mangha.

Hahakbang na sana ako pabalik sa pinanggalingan ko nang bigla siyang magsalita.

"Napakaganda rito. Sayang, hindi ako pinili ng akademya. Bawal kasi e. Bakit ba kasi... ako lang ang walang kapangyarihan sa aming tatlo?"

Nakita ko ang malungkot niyang pagngiti bago binaba ang tingin. "Gusto ko rin maging malaya katulad ni Kuya." bulong niya sa hangin bago siya tumayo at naglakad palayo.

Napahawak ako sa katabing puno bago muling tiningala ang bilog na buwan.

Kailaman ay hindi natin malalaman ang pinakanghiling ng isang tao. Dahil madalas, kung ano ang nakikita natin sa kanila, kabaligtaran iyon ng kanilang pangarap.

Kasabay ng paglipas ng mga araw ang pagdami ng mga tagpong nasasaksihan ko sa pagitan ni Elraiden at Aloudia. Sa sobrang sakit ng mga tagpong iyon, namanhid na ang puso ko. Hindi na nasasaktan pero bigla-bigla akong lumuluha.

Ngayong araw mismo, nakumpirma ko na hindi na ako mahal ni Elraiden. Tama ang maliit na boses sa aking utak. Mas matimbang ang mga kilos kaysa sa mga salita.

Sa lumipas na araw, nasaksihan ko ang pinakamasakit na tanawin sa buong buhay ko.

Linggo iyon. Bandang hapon malapit sa talon. Balak kong magpalipas ng oras at maligo na rin sa talon pero hindi natuloy dahil naabot ng tingin ko ang mga bulto ni Aloudia at Elraiden. Sa tabi sila ng puno nag-uusap. Nakahawak si Elraiden sa siko ni Aloudia. Parehas silang seryoso.

Hindi ko narinig ang kanilang pinag-usapan. Binalak kong lumapit para marinig pero natigilan ako dahil sa sunod na nangyari. Sa mismong mga mata ko, nasaksihan ko ang mabagal na paglapat ng mga labi nila.

Hindi ko kinaya ang tagpong iyon kaya agad akong umalis.


"Tama ka. Tanga ako." tulala kong sabi kay Kil.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Sa wakas, natanto mo rin."

Napabuntong-hininga ako bago inuntog ang noo sa mesa ng silid-aklatan. Mariin kong pinikit ang mga mata dahil namamasa na naman ito.

"Kailanman ay hindi ko kinuwestyon ang buhay ko pero ngayon... bakit ganito? Bakit nakilala ko pa siya kung ganito rin naman ang mangyayari? Kung masasaktan lang pala ako, bakit pa siya nakipaglapit sa akin? Dapat tinapos niya na lang ang misyon niya nang hindi nakikipaglapit sa akin. N-naging madali sana ang lahat!"

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon