24

69 10 0
                                    

Justice's POV

Titig na titig ako sa telang itim na bigay ni Elraiden. Inabot ito sa akin ni Propesor T noong paalis na ako sa klinik. Umayos ako ng upo bago ginilid ang tingin.

"Nakakainis! Bakit ako palagi ang nag-aalaga sa baboy na iyon? Nang-iirap iyon at hindi ako bati! Hindi rin ako kinakausap at napapanisan ako ng laway sa kaniya! Roche, ayoko na! Sawa na ako!"

Napalingon ako malakas na boses ni Narella Blake. Puno ang cafeteria ngayong tanghalian. Kompleto rin ang mga Konseho at may kaniya-kaniyang grupo. Ang mga Propesor ay nasa pinakang dulo nitong cafeteria.

Dalawang mesa ang layo sa akin ng Ikaapat na Konseho pero rinig na rinig ko ang boses niya. Nakanguso ang mapulang labi ni Narella at ang side bangs ay nakatabon sa kaniyang mukha habang parang batang hawak ang braso ni Amroce Helle. Masama ang tingin sa kaniya ng huli pero wala roong pakialam si Narella.

Bumuka ang labi ni Amroce Helle at may kung anong sinabi kaya mas lalong napanguso si Narella. Nagpapadyak ito na parang bata bago pinagkrus ang mga braso.

Napailing ako. Napakaisip bata ni Narella at hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit siya ang pinili ng Ruk noon.

Wala sa sarili kong nalingon ang pwesto ni Elraiden. Tahimik at nakangiti siyang nakikinig sa kung anumang sinasabi ni Aloudia. Mapait akong napangiti. Noon, ako ang kaniyang kamasa tuwing tanghalian at kinukwentuhan ng mga nangyari sa kaniya-kaniyang buhay pero iba na ngayon. Kumirot ang puso ko at kahit na nasasaktan habang nakatingin sa kanilang dalawa, hindi ko maalis ang tingin ko.

Bagay na bagay silang dalawa ni Aloudia. Kung hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit kay Elraiden, matutuwa ako ng makita silang ganito ang ayos ngunit hindi e. Mahal ko si Elraiden at ngayon ay labis akong naguguluhan sa nangyayari. Bakit ganito, Elraiden? Ang sakit na.

Hindi ko kinaya ang sakit. Napaiwas ako nang magtawanan silang dalawa. Parang sila lang ang tao ngayon sa cafeteria. Mas sinasaktan ako ngayon ng paningin ko dahil parang umiilaw ang dalawa at tila may kung anong musika akong naririnig habang nagpapalitan ng magagandang salita ang dalawang Konseho.

Wala sa sariling tinuon ko ang tingin sa telang itim. Nasa tabi ito ng plato ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito binubuksan. Kabado ako sa maaring laman nito.

Lumipas ang ilang minuto ay tulala ako. Ni hindi ko magalaw ang pagkain sa plato ko. Nabibingi ako maliliit na ingay ng cafeteria habang namamanhid sa sakit ang puso.

"Tulala ang unano." narinig ko ang boses ni Kil.

Walang buhay kong inangat ang tingin. Nakatayo si Kil sa harap ko habang may kung anong emosyon ang mata. Inirapan niya ako nang hindi ako tumugon at tinitigan lang siya.

Naalala ko ang sinabi niya noong araw ng alis ni Elraiden. Tiwala nga ba ang pinakamadaling masira?

Umupo siya sa harap ko at tinaasan ako ng kilay. "Sinabi ko na sa iyo, komplikado ang buhay niyo."

Nangunot ang noo ko. "Ano ang alam mo?"

Ngumisi siya. "Lahat. Alam ko lahat, Nano." makahulugan niyang sabi.

Sinulyapan niya ang telang itim. Mas lalo siyang napangisi na tila may nakakasiyang bagay siyang natanto. "Weak."

Mariin kong tinikom ang labi. Nanginginig ang labi ko habang nakatitig sa kaniya. Namasa ang mga mata ko. Bakit pakiramdam ko... may karamay na rin ako sa wakas?

Bahagyang lumambot ang ekspresyon niya nang makita ang itsura ko. "Tss. Mukha kang..." natigil siya.

Napayuko ako. Lumabas ang hikbi ko nang muling mag-angat ng tingin. "Ano... pwede bang..."

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon