28

84 9 0
                                    

Justice's POV

Pagod akong naupo sa malamig na sahig ng tore. Matalino ako at naiintindihan ko ang mga sinabi ni Iñaki. Hinawi ko ang buhok bago nilingon ang bilog na buwan sa labas ng bintana.

Si Elraiden ay kabilang sa nag-iisang angkan ng mga assassins sa mundong ito. Isa sa kaniyang misyon ay ang mapaslang ako pero base sa mga sinabi ni Xersian at Iñaki, tatalikuran niya ang kaniyang misyon. Ito ang sakripisyong sinasabi ni Iñaki. Ang talikuran ang misyon ay katumbas ng pagtalikod sa sariling pamilya. Ako ang pinili ni Elraiden...

Mayroong pinaplano si Elraiden kaya niya ako iniiwasan at umaaktong hindi ako kilala. Ayon sa pagkakaintindi ko sa sinabi ni Iñaki, mayroong kalaban na nakapasok sa akademyang ito at ako ang puntirya nila. Kung gano'n, hindi lang si Elraiden ang taong may misyon na mapaslang ako. May iba pa.

Hindi kaya, kaya ako iniiwasan ni Elraiden ay para linlangin ang kalaban? Sabi ni Atansia ay kaonti lang ang nakakaalam na may natitira pang Afé. Dito na ako lumaki sa tore at imposibeng alam nila ang aking anyo.

Posible ang mga naiisip ko.

Kung gano'n... mula noong bumalik si Elraiden, pinoprotektahan na niya ako hanggang ngayon. Tapos ako, wala akong ginawa kundi ang umiyak at isipin ang sarili. Napakawalang kwenta ko!

Elraiden. Tama si Iñaki. Hindi ako karapat-dapat sa iyong pagmamahal.



"Habang tumatagal, mas pumapangit ka." panlalait ni Kil.

Mabagal ko siyang nilingon pero tumagos agad ang tingin ko sa taong nakaupo ilang mesa ang layo sa kaniyang likod. Isang Linggo na ang lumipas mula noong nakausap ko si Iñaki. Kakalabas lang din ni Elraiden mula sa dungeon. Tipid siyang nakangiti habang kumakain kasama ang mga kagrupo niya.

Namimiss ko na siya. Gustong-gusto ko nang mayakap siya. Marinig ulit ang boses niya o kahit sulyapan niya lang ako.

"Huwag kang pupunta ngayon sa gubat."

Tumango ako bago siya nilingon. Halos magkasing talim sila ng mata ni Elvis. Ang kaibahan lang, mas nakakatakot ang dating ni Kil dahil sa pilat sa kaniyang mukha.

"Saan..." huminto ako. Tumaas ang dalawang kilay niya. "saan mo nakuha ang pilat mo sa mukha?"

"Regalo ng kapatid ko sa akin." kibit-balikat niya.

"Ano?" napatanga ako.

"Bigay niya noong kaarawan ko."

Mabagal akong napatango, hindi makapaniwala. Gano'n ba ang magkapatid?

"Nag-away kayo?"

"Hindi."

"Eh?"

"Binalik niya lang ang regalo ko sa kaniya," walang gana niyang sabi.

Mas nanlaki ang mga mata ko. "Grabe..."

"Nasaan na ang telang itim? Dala mo?" bigla niyang tanong.

Umiling ako. "Iniwan ko sa tore."

"Kunin mo." utos niya.

"Ngayon na?"

Tinitigan niya ako habang pinapakiramdaman niya ang paligid. Ginala ko ang tingin sa buong cafeteria. Pormal na kumakain ang mga estudyante at Propesor. Wala namang kakaiba.

Isang beses siyang umiling. "Dalhin mo bukas. Huwag na huwag mong ihihiwalay sa iyo, maliwanag?"

Kahit hindi siya maintindihan ay tumango pa rin ako. "Alam mo ba ang laman no'n?"

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon