39

90 5 0
                                    

Justice's POV

Namilog ang mga mata ko.

"Labindalawang taong gulang ako noon. Nasa loob ako ng tinutuluyan kong hotel nang biglang may kumatok. Muntik ko nang mapaslang si Eullen dahil wala akong inaasahang tao noon, mabuti na lamang at maaga kong napansin na isa siyang sibilyan. Pero muli lamang akong nagduda sa kaniya dahil may dala siyang mga mangga na kapipitas lamang sa puno; may mga dahon pa at dagta." natawa kami pareho.

"Hindi ko malilimutan ang sinabi niya noon," huminto siya at masuyo akong tinitigan, "kapag tinulungan mo ako, ibibigay ko sa iyo ang mga manggang ito, sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko."

Natakpan ko ang bibig sa mangha at gulat pero mas lamang ang natatanging emosyon habang pinapanood ang pagkinang ng mga mata ni Ikaanim; masaya sa pagkwento ng tagpo nila ni Mama.

Napanguso siya, "wala pa akong alam na ibang emosyon noon kaya pinagsarhan ko lamang siya ng pinto. Akala ko ay nababaliw lamang siya pero sa mga sumunod na araw ay hindi siya tumigil sa pagdala ng iba't ibang pagkain. Lahat ay siya mismo ang pumitas o nagluto."

"Hindi ko siya maintindihan noon kung bakit niya iyon ginagawa. At noong huling araw ko na sa bansang Abllet, hindi na siya nagpakita. Gulong-gulo ako noong araw na iyon dahil may kung ano akong naramdaman sa aking dibdib. Tinanong ko pa ang sarili ko kung bakit bigla siyang nawala at may kung anong nagtutulak sa akin na hanapin siya bago ako umalis. Ngunit hindi ko na nagawa. Isang taon ang lumipas ngunit hindi ko pa rin siya makalimutan. May araw pa na naisip kong, sana ay tinanggap ko kahit isang pagkain lang na inalok niya. Binibini, wala pa akong alam noong mga oras na iyon na ang nararamdaman ko pala ay pag-aalala at pangungulila."

"Akala ko ay hindi ko na siya makikita pa ngunit noong tumuntong ako sa bansang Oard, muli kaming nagkita. Ang kaibahan lang, labis siyang namayat at subsob na subsob siya sa mga libro. Ang bansang Oard ay kilala sa himlayan ng mga sinauna at sagradong libro ng buong mundo. May kumirot sa puso ko, Binibini noong nagtagpo ang aming mga mata. Pakiramdam ko ay pinabayaan ko siya." huminga siya nang malalim.

"Hindi ko alam ang dapat gawin pero naisip ko ang ginawa niya noong una naming pagkikita. Pasimple akong nag-iiwan ng pagkain sa lamesa niya at labis na tuwa ang nararamdaman ko kapag kinakain niya ito. Masayang-masaya ako noon, Binibini habang pinagmamasdan si Eullen. Pakiramdam ko, pinapanood ko ang aking Ina."

"Isang beses, naisip kong tingnan ang mga librong binabasa niya at nakita kong tungkol ang mga ito sa Curse and Divine Punishment. Napukaw nito ang kuryusidad ko dahil ang misyon ko noong panahong iyon ay kuhanin ang sagradong eaf at dalhin sa bansang Nnasc. Ang sagradong eaf ay maliit na papel na hugis dahon at naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa lunas sa kahit anong sumpa o parusa sa mundong ito. Gaano man kabigat ang parusa o sumpa, alam nito ang solusyon."

"Nahuli ako ni Eullen noong mga oras na iyon at nakilala niya ako. Iyon ang unang beses na nakaramam ako ng kaba sa dibdib. Pero mas nangingibabaw ang saya noong mainit siyang ngumiti sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili kong matawag siyang 'Mama'. Parehas kaming nagulat pero siya ay tumawa lamang at tinugon ang tawag ko. Malambi niya akong tinawag na 'Anak'. Muli, unang beses kong makaramdam ng sobrang kasiyahan." muling kuminang ang kaniyang mga mata.

"Nag-usap kami noong araw na iyon na tila totoong Ina ko siya at anak niya ako. Parang matagal na naming kilala ang isa't isa at nagkuwentuhan lang hanggang sa inabot ng umaga. Nabanggit niya sa akin ang kaniyang pakay sa bansang Oard. At ito nga ay ang mahanap ang solusyon sa parusang nakalapat sa iyo, Binibini. Hindi matutumbasan ang kasiyahan at karanasang binigay sa akin ni Eullen kaya naman sa unang pagkakataon, kumilos ako gamit ang sarili kong desisyon. Dalawa ang kinuha kong sagradong eaf at nagdesisyong ibigay sa kaniya ang isa."

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon