26

79 11 0
                                    

Justice's POV

"Tirik na ang araw, nakahiga ka pa rin diyan. Ano na, Justice?"

Napapikit ako ng mariin nang sigawan ako ni Diwa sa mismong tainga. Tinalikuran ko siya ng higa.

"Linggo ngayon! Dapat ay nasa labas ka at nagdidilig ng halaman!"

Napangiwi ako. Kailan man ay hindi ako nagdilig ng halaman. "Iwan mo muna ako. Gusto ko pang matulog." ungot ko.

Naramdaman ko ang paglipad niya palapit sa mukha ko. "Aba! Anong oras ka ba kasi natulog kagabi? Bruhang ito!"

Nagulo ko ang buhok bago inangat ang mukha habang pikit ang isang mata. Nakita ko ang nanlalaking mga mata ni Diwa habang nakapamaywang.

"Ano?" mataray nitong tanong sa akin.

Napangiwi ako. "Ito na, babangon na." tamad kong inangat ang katawan. Lumipad siya patungo sa maliit kong lamesa at umupo roon paharap sa akin. "Linggo ngayon. Wala naman akong ibang gagawin." ungot ko sa sarili. Niligpit ko ang kumot at inayos ang gusot sa higaan bago tuluyang tumayo para pumunta sa banyo.

"Hindi mo ba pupuntahan si Ikaanim?" bigla niyang tanong. Natigilan ako sa paglalakad. Nakagat ko ang ibabang labi habang nakatalikod sa kaniya. "Nakita ko siya sa puno ng nara kanina kaya kita ginising." dagdag niya.

Mabilis akong napaharap sa kaniya, awang ang labi sa gulat. "T-totoo? A... anong ginagawa niya roon?" kinalma ko ang sarili habang nagsasalita.

"Nakaupo. Nakatanaw dito."

Napayuko ako sa kaniyang sagot. Nakakainis isipin na unang pumasok sa isip ko ang dahilang isa siyang assassin kaya siya nandoon at inaabangan ako. Salubong ang kilay na kinurot ko ang palad. Nitong nagdaang linggo, hinanap ko ang mga librong may kinalaman sa assassination sa silid-aklatan. Isang libro lang ang nakita ko at sa pinakalikod nito, sa isang maliit pero matingkad na mga letra, nakasulat ang apilyedo ni Elraiden gamit ang pulang tinta.

Doon ko lang totoong nakumpirma na isang assassin nga si Elraiden. May tyansang nagsisinungaling si Kil pero ano naman ang mahihinuha niya sa pagsisinungaling?

Madaling intindihin ang lahat dahil walang mintis, lahat nagtutogma. Mula sa mga salitang iniwan sa akin ni Atansia at Auxcel hanggang sa kinikilos ni Elraiden ngayon.

Ang tanong na lang ngayon ay bakit? Bakit ito ginagawa ni Elraiden sa akin? Bakit nakaatas sa kaniya ang pagpaslang sa isang katulad ko?

Isa pang nagpapagulo sa akin ang mga salitang sinabi ni Xersian noon sa talon.

"Kung may malaman ka man na kahit anong magpapagulo sa isip mo, gusto kong sabihin sa iyo, nararamdaman ko, mahal ka ni Elraiden. Mahal na mahal ka niya, Binibini. To the point... na tatalikuran niya ang kaniyang misyon na buong buhay niyang pinaghandaan para lang sa iyo."

Hindi niya sasabihin iyon kung hindi totoo. Kahit isang linggo ko lang nakasama si Xersian noon, nakuha na niya agad ang tiwala ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Diwa. "Alam kong hindi na kayo nagkakausap. Hindi ko gustong makialam o magtanong dahil mas gusto kong ikaw ang unang magkwento." mabagal niyang sabi.

Inangat ko ang tingin sa kaniya at tipid na ngumiti. "Alam mo na pala, bakit ginising mo pa ako?"

"Kasi... may pupuntahan tayo ngayon!" mabilis niyang sabi na tila ngayon niya lang naalala ang isang bagay. "Hala ka! Bilisan mo, Justice! Anong oras na!" nataranta siya.

Napanguso ako at nagmadali nang pumasok sa banyo dahil lumalaki na naman ang mga mata niya. Napapailing akong naligo.

Kung ano man ang mangyari, sana lang, malaki ang dahilan ni Elraiden sa ginagawa niyang ito.

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon