8

117 12 0
                                    


Justice's POV

Kinabukasan ay hindi ko malaman ang dapat gawin. Kinakabahan ako habang tinatahak ang payapang gubat. Medyo basa ang lupa at mga dahon sa pag-ambon kagabi. Berdeng-berde ang mga dahon at ang mga puno ay mayayabong.

Napasinghap ako at mariing napapikit nang matanaw ang pamilyar na bulto niya sa puno ng nara. Nakayuko siya at hindi ko makita ang makisig na mukha.

Napalunok ako, mariin kong nalukot ang suot na kapa bago nagpasiyang lapitan siya. Maingat ang bawat hakbang ko, sinisigurong hindi siya magigising. Kabado ako dahil sa nangyari kahapon.

Nang makalapit ay gano'n na lang ang paglambot ng tuhod ko at kabog sa dibdib nang gumalaw ang kaniyang ulo paangat. Namilog ang mga mata ko at napaawang ang labi. Mabagal kong pinakawalan ang hininga para pakalmahin ang sarili.

"Akala ko..." napalunok ako bago lumapit pa sa kaniyang gilid.

Akala ko ay gising siya, hindi pala.

Nakagilid ang kaniyang ulo paharap sa akin. Ang kaniyang mukha ay makinis. Hindi ito maputi pero hindi rin moreno. Nasa gitna siya no'n. Nag-init ang aking pisngi bago yumuko para mas lalo kong makita ang kaniyang mukha.

"Hindi pa ako nakakilala ng isang tulad mo. Masiyadong kang misteryoso..." malambing kong sabi habang tinititigan ang kaniyang nakapikit na mata.

Gusto ko ang pakiramdam na nakatingin siya sa akin ngunit sa parehong oras ay kabado ako. Malalim siya kung tumingin at palaging naghahalo doon ang dalawang emosyon. Nakakapanghina ng tuhod. Gano'n pa man, sa kailaliman ng aking isip, hinihiling ko na mapunta ang kaniyang tingin sa akin. Kahit saglit lang.

Bumaba ang tingin ko sa matayog niyang ilong. Gusto kong paglandasin doon ang aking hintuturo patungo sa kaniyang pisngi.

"Mukhang malambot ang pisngi mo. Parang masarap hawakan..." muli kong bulong.

Kita ko ang ilang pulang litid sa kaniyang pisngi. Ang panga niya na hulmang-hulma na sa tingin ko, masarap ding damhin sa kamay.

"Ba't 'di mo hawakan para malaman mo?" aniya sa malalim na tinig.

Nanigas ako sa ganoong ayos nang magsalita siya. Namilog ang mga mata ko kasabay sa pagkabog ng dibdib noong nagtama ang aming tingin.

Ito na naman... umiinit na naman ang puso ko sa galak habang pinagmamasdan ang kaniyang mata.

Sa gitna nang ganoong ayos ko, gulat at nahihiya ay hindi ko napigilang mas matitigan siya. Ginagalaw ng hangin ang kulay kahel niyang buhok. Sumasabay sa oras na iyon ang pagbagsak ng ilang tuyong dahon sa aming paligid.

Isang ngiti ang namuo sa kaniyang labi bago nilibot ang tingin sa aking mukha. Nag-init ang pisngi ko at nagwala ang mga insekto sa tiyan.

"Hi! Magandang umaga, Binibini."

Mariin kong nakagat ang loob ng labi dahil sa kaniyang boses. Medyo paos ito at mahina. Sa totoo lang, ang boses niya ang pinakagusto kong musika at mapakinggan ng paulit-ulit. Malalim kasi ito na malambing. Para kang hinehele ngunit sa parehong oras ay ginigising. Magulo pero iyon ang deskripsyon ko.

"U-uhh... ma... magandang umaga." napakurap-kurap ako at doon lang napaayos ng tayo.

Mabilis akong tumalikod sa kaniya para makalma ang sarili. Sapat na ito, Justice. Nakaharap mo na siya. Nabati, natitigan pa sa mata, at narinig ang boses!

Ngunit kahit anong pagkalma ang gawin ko sa sarili ay hindi ako nagtagumpay. Patuloy na tumatalon ang aking puso at pagkakagulo sa tiyan. Mariin kong nakurot ang palad.

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon