34

238 18 7
                                    


Justice's POV

Dahil sa katangahan ko kahapon, sumama ang pakiramdam ko. Sabado, sikat na ang araw pero nakahiga pa rin ako sa aking higaan. Hindi ako makatayo o makagalaw man lang dahil tila lumilindol tuwing igagalaw ko ang paningin ko.

"Bobo. Hindi na naman nag-ingat sa buhos ng ulan."

Napangiwi ako sa boses ni Diwa.

"Anong na naman? Ngayon pa lang nangyari ito." barado ang ilong ko dala ng sipon kaya ang boses ko ay nag-iba.

Namilog ang mga mata siya. "O-oo nga. Ang ibig kong sabihin, muntik ka na noong mabasa." iniwas niya ang tingin. Binatukan niya ang sarili.

Kunot ang noo ko siyang pinagmasdan. Kahapon, nabanggit din ito ni Headmaster. Pero sigurado akong ito ang unang beses na nabasa ako ng unang buhos ng ulan.

"K-kumain ka muna. Malapit nang magtanghalian pero hindi ka pa nakakapag-almusal."

Napasinghot ako bago inubo. Nakangiwi niya akong pinanood. Napailing siya nang hinang-hina akong tumayo. Buong araw akong hindi lumabas ng tore. Natulog lang ako dahil sa sobrang pagod na hindi ko alam kung saan nagmula.



"Justice! Gising! Dalawang oras na lang kaarawan mo na!"

Napaungot ako. Antok na antok pa ako.

"Justice! Gumising ka muna. May regalo kami sa iyo. Hindi ka namin mapupuntahan mamaya dahil mahirap tumakas ngayon. Sige na!"

Napakamot ako sa aking ulo. Antok ang mga matang tiningnan ko si Diwa. Sa kaniyang tabi ay si Iela na nakangisi. Napanguso ako bago naupo. Kinusot ko ang mga mata at napakamot sa ulo.

"Hindi pa rin ba maganda ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Iela.

"Medyo na lang. Magaling na ako bukas, sigurado! Saka Lunes na, may pasok kaya kailangan kong gumaling talaga." inaantok kong sabi.

Sabay na tumango ang dalawa bago napangiti. "May regalo kami sa iyo. Pikit ka muna." nasasabik na sabi ni Diwa.

Nawala ang antok ko. Napangisi ako bago pumikit. Nakatanggap na ako ng regalo kay Kil at pangalawa itong kila Diwa! Nakakatuwa naman!

"Pagbilang namin ng tatlo, saka mo lang imulat ang mga mata mo, ha?"

Tumango ako. "Oo," napahagikgik ako.

Narinig kong may hinihilang mabigat na kahon sa sahig. Mas nasabik ako.

"Bawal sumilip!" sigaw ni Diwa.

Natawa ako. "Hindi ako similip!"

"Ayos na. Isa, dalawa, tatlo! Mulat mo na ang mga mata mo." sigaw ng dalawa.

Malaki ang ngiting minulat ko ang mga mata. Namangha ako sa nakita. Sa maliit kong mesa, mayroong keyk na may kandila sa gitna na hugis labing dalawa. May mga pagkain din at prutas at sa palibot ng maliit na mesa ay mga lobong pula.

Namamasa ang mga matang nilingon ko sila. Tumataba ang puso ko dahil sa ginawa nilang ito.

"Maligayang kaarawan, Justice! Mahal ka namin!" sabay na sigaw ng dalawa, namamasa rin ang mga mata nila.

Tumayo ako at mabilis silang nilapitan. Niyakap ko sila sa aking pisngi habang umiiyak.

"Maraming maraming salamat! Mahal ko rin kayong dalawa."

Ang saya-saya ko. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito.

"Ganito pala ang pakiramdam ng masurpresa. Walang kasing saya. Salamat talaga, Diwa, Iela, mahal ko kayo."

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon