5

166 14 0
                                    

Justice's POV

Ngumiwi ang aking labi nang umungot ang dambuhalang baboy sa aking harap. Purong puti ang kulay nito pwera sa paa at ang palibot ng kaliwang mata dahil kulay itim iyon. Halos kasing laki siya ng pinagsamang tatlong kabayo. Pwede na akong humiga at matulog sa kaniyang likod sa sobrang lapad at taba niya. Malinis ang baboy, wala kahit isang dumi sa katawan nito. Alagang-alaga ito ng Headmaster.

Naupo ako sa malinis na sahig ng bulwagan. Pangalawang bulwagan ito ng Zolem na matatagpuan sa dulo ng bayan. Mas maliit ito sa bukas na bulwagan na kinakainan namin, sarado rin ito at mataas ang kisame. Dito ako dinala ni Ika'lawa kanina matapos ang klase ko. Isang oras pa bago lumubog ang araw.

Sa labas nitong bulwagan ay parang simple lang ito pero kapag nakapasok na rito sa loob ay para bang napunta ka sa ibang lugar. Sa gilid ng bulwagan nakapwesto ang malaki at malambot na higaan na maraming unang nakapalibot. Doom ay medyo madilim ang ilaw at kahit sinong pumuwesto roon ay aantukin dahil sa malamyos na atmospera. Sa kabilang gilid naman ang normal na lamesa na punong-puno ng pagkain. Doon naman ay maliwanag ang ilaw, para kang nasa labas at tirik ang araw.

Sabi sa binigay na sulat sa akin, kailangan kong alagaan ang baboy na ito ng tatlong araw. Papakainin, liliguan at papatulugin. Kung kinakailangan ay laruin ko rin daw para malibang. Kailangan ko ring pumunta rito matapos kong kumain ng tanghalian at pagkatapos ng klase, kailangan kong siguraduhing maayos ang lagay niya bago umalis.

Pinatong ko ang siko sa kandungan para ngumalumbaba habang tinatanaw ang maganang pagkain ni Laubrie. Magana pero nandoon pa rin ang kasosiyalan at kaartehan.

"Para kang kumikinang sa ganda."

Nilingon ako nito at umangat ang taas ng isang mata na parang sinasabi na ba't ko pa sinasabi ang nakikita ko bago muling nagpatuloy sa pagkain. Napanganga ako.

"Grabe..."

Sa nababalitaan ko, pili lang ang mga estudyanteng ganito ang binibigay na parusa. Kilala si Laubrie sa buong akademya dahil paminsan-minsan itong ginagala ng Headmaster na parang isang simpleng alagang aso lang.

Mas tinitigan ko siya at sinuri ang kaniyang anyo. "Ano ang espesiyal sa iyo?"

Tumigil siya sa pagkain at tumalikod. Pumunta siya sa nilikhang talon sa gilid. Halos masakop no'n ang kalahati ng bulwagan. Napakasosiyal ng baboy na ito. Parang totoo ang talon na iyon, mayroong pinagbabagsakan ang tubig at dumadaloy rin pakalat. Ang mas maganda pa rito ay maligamgam ang tubig, kita ko ang usok e.

Lumusob do'n ang baboy. Halos mahawi ang tubig sa laki niya. Hindi na ako nagulat nang makita ang paglubog ng buo niyang katawan, malalim ang ginawang talon ng Headmaster. Nakamamangha.

"Ano ang hinihintay mo? Linisan mo ang aking likod." napanganga ako nang magsalita siya.

Maganda ang boses niya pero tunog maldita iyon. Mabilis akong tumayo at naglakad palapit sa kaniya. No'ng nasa batuhan na ako ay bumagal ang lakad ko para hindi madisgrasiya.

Mula sa kung saan ay nakuha ko ang panghilod sa kaniyang likod. Mahabang kawayan ang tangkay no'n. Sakto lang para mahilod ko siya nang hindi tumutuntong sa kaniya o mababasa.

"Espesiyal ako dahil ako si Laubrie." taas-noo niyang sabi nang makahanap ako ng saktong pwesto para malinisan ang kaniyang likod. Umayos ako ng tayo sa malaking bato bago hinaba ang kamay para maabot ang kaniyang likod.

Kusang bumula ang panghilod matapos ang ilang minuto.

"Napakaganda mo. Paanong naging alaga ka ng Headmaster?"

Newszealz Academy: Midnight TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon