Chapter 35: When A Woman is in Doubt

718 4 0
                                    

"Was it me?" at naituro pa ni Chloe ang sarili.

Umiling lang si Philip.

"I understand the fact that Laura needs some space pero ang hirap hindi ko talaga kaya na hindi ko siya nakikita," laglag ang mga balikat na napaupo siya sa bench na malapit sa swimming pool.

"Oh, Philip, what can I do to help you?" lumapit si Chloe sa kanya at umupo rin sa bench para tabihan siya.

Umiling lang ulit siya.

" I don't know,Chloe, there's nothing we can do but to wait. Naniniwala pa rin naman ako na kung mas matimbang ang pagmamahal namin sa isa't-isa ay babalik siya sa piling ko, hindi ba ganun naman talaga ang nagmamahal, nagtitiis kahit na nasasaktan?"

Ngumiti lang sa kanya si Chloe.

"You changed a lot, Philip. Ni hindi ko na makita sa'yo ang conceited at self-centered na lalaking nakilala ko noon, but I like you now, love changed you into a better person," si Chloe iyon at bakas sa tinig nito ang amusement sa nakikitang pagbabago sa kanya.

Napatingin siya sa langit. Puno ng bituin ang kalangitan at mainit pa rin ang ihip ng hangin, palatandaan na tag-araw pa rin kahit na malapit ng matapos ang buwan ng May.

"We met in the midst of summer. She's like a summer princess with a warm smile in her face, her eyes show her pure and innocent soul, she's my angel this summer, and I fell in love with her, oh Laura, my beloved, Laura," wika niya sa kawalan at ang hindi niya namalayan ay may mainit ng likidong naglalandas sa kanyang mga mata, hindi niya napigilan ang mapaluha.

Pati ang pagiging ruthless niya ay nawawala na rin sa kanya, Ahhh... nagiging emosyonal na siya.

" This is the second time I saw you crying because of Laura, I just hope everything will be alright, because I don't wanna see you crying for the third time," si Chloe na nakikisimpatya sa kanya, hinawakan nito ang isang balikat niya at pagkatapos ay tumayo na ito.

" I have to go, Philip Banes. If you need help, my line is always open for you,bye," paalam ni Chloe sa kanya.

Tumayo siya at muli ay niyakap ang dating nobya.

" You take care,Chloe, thank you for company," bulong niya rito.

Tumugon naman si Chloe ng isang mahigpit na yakap sa kanya.

Ang hindi alam ni Philip ay may isang pares ng mga mata na kanina pa nakamasid sa kanila.

Si Laura.

"Ma'am, bakit po andyan kayo, wala na po ba sa pool si Senyorito?" Tinig iyon ng isang may-edad na babae, si Manang Tina, ang mayordoma sa mansion ng mga Banes.

" Nagbago na po ang isip ko manang saka ko na lamang po siya kakausapin, sige po salamat," kaswal na paalam niya sa nakatatandang babae.

Hindi na ito nagtanong nang tumalikod na siya at nagmamadaling lumabas ng pinto.

Saktong nasa gate na siya ng may isang tinig ng babae na tumatawag sa pangalan niya, si Chloe.

"Laura!Wait!" Humahangos na tawag nito sa kanya.

Ewan pero pinili niya ang huminto at hintayin ang babae na makalapit sa kanya.

"You're here," humihingal na wika ni Chloe ng makalapit na ito sa kinatatayuan niya.

"I'm sorry for my presence, I should not be here," nag-aalalang wika niya rito.

Kumunot naman ang prominenteng noo ni Chloe.

" You belong here, Laura. Philip is waiting inside, he's driving himself crazy because of your sudden break up, you must go in where your heart belongs to," sincere na wika nito.

" Why Chloe? You loved him right?You're mad at me because I know for a fact that you still in love with him, so why are you pushing me now to get him back?"

Naguguluhang tanong niya rito.

" Why are you here in the first place? You want a reconciliation with Philip? Am I right Laura?" Tanong lang din ang isinagot nito sa kanya.

Umiling siya.

" I want to say my final goodbye to him. I decided to go back to China where my parents are currently living. I don't have a place here. I stole what is yours, and I am returning it back to you. I'm sorry Chloe, I'm really sorry," hinging paumanhin niya rito pero nagulat siya sa isinagot ng babae sa kanya... sinampal siya nito.

" Gusto mo ba talaga ang kamuhian kita,Laura?! Anong tingin mo sa feelings ni Philip isang bagay lang na pagkatapos mong kunin ay puwede mo isoli kahit kailan mo gustuhin?" Galit na wika nito sa kanya.

" This is a torture for me to say it pero mahal ka ni Philip, mahal na mahal. I have to accept that fact kahit na mahal ko pa siya dahil alam ko na sa iyo siya liligaya. Don't make it complicated,Laura, dahil pareho lang kayong masasaktan ni Philip. If you really love him you will never hurt him," si Chloe na mataas pa rin ang boses ngunit pilit pinapahinahon ang sarili.

"Chloe..." garalgal ang tinig na tawag niya sa pangalan nito.

" How can you say all those things to me? Sa babae pa na nang-agaw sa lalaking minahal mo noon? Please Chloe don't be nice to me dahil hindi ko na kaya ang guilt na mayroon ako ngayon dahil sa katotohanan na isang babaeng kasing-buti mo ang inagawan ko ng kaligayahan," naiiyak na wika niya rito.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat niya.

" I'm saying this to you dahil minsan nagmahal din ako at nasaktan. Sometimes we're making decisions with a good cause for our loved ones but sometimes we don't notice that even how good it is, still, we're hurting the one that we loved. Because in this life we don't have the right to decide for them, it is only us who can decide for our own happiness,"

" Starting from this point, it is only you who can make it happen, just make the right decision,Laura, follow your heart, never let go the person who truly loves you more than you can ever do," pagbibigay payo pa ni Chloe sa kanya.

Wala siyang naisagot sa mga sinabi nito dahil ang tanging nagawa lamang niya ay umiyak at sa huli ay marahan siyang tumango rito.

Niyakap siya ni Chloe.

"Please keep this in your mind that what we had before was already a part of his past, you are now his present, Laura, and please be his future because that man deserves your heart,"

Iyon ang mga huling salitang binitawan ni Chloe bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya. Ngayon ay naiwan siyang mag-isa sa tabi ng gate at hindi niya alam kung ano ba ang dapat gawin.

Follow your heart ... Ang wika ni Chloe kanina.

Once pinakawalan mo na ang isang bagay, hindi ka nakasisiguro kung magkakaroon ka pa ba ng second chance... Ang payo naman ni Maya kanya.

You deserve a man who is brave enough to fight for his feelings for you and that is Philip ... Ewan pero bigla niya'ng naalala ang sinabi sa kanya ni Yuan noon.

Ahhh... bahala na ...

Midst of SummerWhere stories live. Discover now