"We are travelers on a cosmic journey,stardust,swirling and dancing in the eddies and whirlpools of infinity. Life is eternal. We have stopped for a moment to encounter each other, to meet, to love, to share.This is a precious moment. It is a little parenthesis in eternity." ― Paulo Coelho, The Alchemist
Sa kabilang dako ...
Alanganing hatinggabi na ...
Maging si Philip ay pinaghahandaan din ang nalalapit na first monthsary nila ni Laura. Kasalukuyan siya noon na nasa Yacht Club.Hininto niya ang kotse sa tapat ng port kung saan nakadaong ang yateng may nakasulat na " My Angel Laura", iyon ang yate na regalo niya sana noon kaya Laura pero tinanggihan nga ito ng dalaga. Bumaba siya sa sasakyan at lumapit sa yate, tinungo niya ang bahagi niyon na may naka-engrave na pangalang " Laura".
Hindi niya napigilan ang sarili na mangiti ng lumitaw sa kanyang balintataw ang maamong mukha ni Laura. Parang kailan lang, may isang buwan na pala simula noong magkita at magkakilala sila ni Laura.
" Parang kailan lang ng maging akin ka, Laura," mahinang usal niya sa hangin.
Three days after ...
Friday, 6:25 P.M., ay hindi niya mapigilan ang sarili niya na hindi maglakad ng pabalik-balik sa loob ng sala ng condo nila ni Maya dahil sa totoo lang kinakabahan siya na naeexcite ng mga sandaling iyon. May usapan kasi sila ni Philip na magkikita ng 7:00 P.M., inaya siya nito na kumain sa labas, pero hindi sinabi ng lalaki kung saan sila pupunta basta ang sabi lang nito ay "sorpresa".
" Puwede ba Laura chillax ka lang masyado kang tense dyan mabuti pa maupo ka na lang sa sofa dahil ako ang nahihilo sa kakapabalik-balik mo ng lakad," biro ni Maya sa kanya. Nakahiga ng patihaya ang kaibigan niya sa sofa at may hawak ito na libro ni Dan Brown, hindi nga lamang niya nakita ang title.
Napabuntong-hininga siya. Lumapit siya sa bintana at tumanaw sa ibabang bahagi ng condominium kung saan maaari niya'ng matanaw ang kotse ni Philip. Sabagay maaga pa naman, lihim na bulong ng isang bahagi ng kanyang isip. Lumapit siya kay Maya at umupo siya sa may bandang gilid ng sofa.
" Sorry naman Maya hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko na ma-tense," apologetic na wika niya rito. Umayos naman ito ng upo at hinarap siya.
" Chillax lang best, I assure you, you're so beautiful tonight,ang Philip will find no reason not to fall in love with you over and over again, " wika ni Maya na hinawakan pa siya sa pagkabilang balikat niya. Tipid naman siyang ngumiti rito.
" Thanks best," wika niya rito sabay yakap sa kaibigan.
" Ui, mamaya na ang emote baka masira pa ang make up mo," pang-aalo sa kanya ni Maya, marahil ay nakita nito ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Marahan lamang siyang tumango rito.
" Na-ooverwhelmed lang kasi ako sa feeling na alam mo 'yun, special occasion kasi ito para sa amin ni Philip," open up niya sa kaibigan.
" As if malalaman ko 'yung feeling na sinasabi mo, pero ang sigurado ako, I'm so happy for you Laura. I know how much you want it to happen, kahit paano may isa na sa mga wishes mo ang natupad," masayang wika ni Maya sa kanya. " At iyon ay ang matagpuan mo 'yung lalaking magpapasaya at magmamahal sa'yo ng totoo," seryosong dugtong naman nito.
" I know, Maya. And I'm truly blessed na dumating nga si Philip sa buhay ko," seryoso niya ring tugon sa kaibigan. Hindi nagtagal ay may nag-doorbell na.
" Speaking. Mukhang andyan na ang prince charming mo," natatawang wika ni Maya sa kanya sabay lundag pa sa sofa at tinungo ang pinto, at hindi nga ito nagkamali dahil ang taong naghihintay sa kanya sa labas ng pinto ay walang iba kundi ang lalaking nais niyang makita at makasama sa habambuhay, si Philip.
