"He was a silent fury who no torment could tame."
― Jack London, White Fang
Pero sadyang sa isang relasyon ay may mga pangyayaring susubok talaga sa tatag ng pag-ibig ninyo para sa isa't-isa dahil subukan mo ma'ng magbago may bahagi pa rin ng pagkatao mo na mananatiling naroroon ... Don't forget that this man is a beast!!!
After one week ...
Inaya siya ng nobya na sumama sa fun climbing ng mga kaibigan nito sa isang bundok sa Batangas. Siyempre sama naman si Philip kahit alam niya sa sarili niya na hindi ganun kataas ang stamina niya pagdating sa paghahahiking. Ang mga kasama nila ang promoter ng lakad na 'yun sina Maya at Yuan , sumama rin ang tatlo pang babaeng matalik na kaibigan ni Laura, sila Priscilla, Claudia at Franz.
Alas singko y medya ng madaling-araw narating nila ang paanan ng bundok. Tinitignan pa lamang ni Philip ang bungad na bahagi ng masukal na gubat ay hindi niya mapigilang mapailing na lang.
"First time mo ba maghahiking, Philip?" Bibong tanong ni Franz na kuntodo gear up talaga sa paghahike. Nakasuot ito ng bonnet na black, naka-ponytail ang buhok, preskong white t-shirt na may print na word na RAVE ang suot nito at naka-khaki pants ito. Mukhang hiking shoes din ang suot nito at may dala ito na malaking Northface na bag.
Alanganin siya'ng ngumiti rito sabay tango. Napa-Ow! lang naman ang babae.
"Don't worry Philip, maikli lang naman ang trail ng mountain na ito kaya for sure hindi ka naman masyadong mapapagod," nakangiting wika naman ni Priscilla na ewan kung masasabi ba niya'ng hiking ba talaga ang gagawin nito o pictorial lang. Dahil mamumundok man sila ay kuntodo make up pa rin ito, naka-sandong black ito at shorts na camouflage ang print. May black na jacket rin na nakapulupot sa balingkinitang beywang nito. Ang makulit lang sa get up nito ay wala ito'ng dalang bag na aksing-laki ng kay Franz bukod-tanging sling bag na maliit lang ang dala nito na for sure SL Rang laman.
"Uhm,,, thanks sa support," wika niya rito na alanganin din ang ngiti.
"Oh siya girls, akyat na tayo!Have fun!" Masaya at masiglang wika ni Yuan na nagpatiuna na sa paglalakad.
Sumunod naman dito sina Maya at Claudia.
Nasa likod naman na ng dalawa sina Franz at Priscilla.
At ano pa nga ba huli sila'ng sumunod ni Laura.
"Sigurado ka ba na okay lang sa'yo ang pagsama rito?" Nag-aalalang tanong ni Laura. Ngumiti naman siya ng ubod-tamis ditto.
"Oo naman. Don't worry kaya ko ito," wika niya na tila sarili lamang ata niya ang kinukumbinsi niya. Ngumiti naman na sa kanya ang nobya. Hinawakan siya sa isang kamay niya.
"Don't worry dito lang naman din ako sa tabi mo," masayang wika ni Laura na kumindat pa sa kanya. Napalapad pa tuloy lalo ang ngiti niya.
"Halika na baka maiwan pa nila tayo," kalmado lang na wika niya rito. At mukhang mag-eenjoy ata talaga siya sa fun climbing na 'yun dahil all though out ng paglalakad nila ay holding hands while walking lang ang drama nila'ng dalawa ng nobya.
Base Camp 1 pa lang ay inabot na agad sila ng 20 minutes at infairness hindi pa naman siya masyadong pagod dahil nasa tabi lang talaga niya si Laura at nagbibigay ng moral support sa kanya.