HOME is the starting place of Love, Hope and Dreams - Unknown
***************
Pinagmasdan niya ang isang sketch ng bahay na ginawa niya,
"Finally!" Masayang bulong niya sa sarili.
Ang sketch na iyon ay hindi basta-bastang sketch lang iyon lang naman ang "dream house" niya.
Nangiti siya sa naisip.
Oo dream house niya, ni minsan ay hindi ko naisip na igagawa ko ang sarili ko ng isang drawing na para sa isang bahay na pinapangarap niya. Napabuga siya ng hangin at malungkot na tumingin sa may bintana. At biglang naisip ang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi siya nangarap ng isang magandang bahay... dahil aanhin naman niya iyon kung hindi naman niya matatawag na tahanan?!
Nang biglang may mag-snap ng finger sa harapan ng mukha niya at napabalik siya sa hinaharap.
"Wow!Laura,seriously?Ang ganda nito ah!" Puno ng paghangang wika ng kaibigan niya sabay kuha sa sketch pad niya. "For sure marami magkakainteres na client dito," napapangisi na wika nito.
Haizt... gumana na naman pagiging business-minded ng kaibigan.
"Sira ka talaga at sino me sabi na pwede mo ibenta 'yan!" Nakangiti na wika niya rito at pilit inaabot ang sketch pad niya na hawak pa rin nito at iniiwas lang iyon ng kaibigan sa kanya.Para pa sila'ng mga isip bata na nagsimulang mag-agawan at maghabulan sa loob ng opisina nila.
Ayaw talaga ibigay ni Maya ang sketchpad.
Napatingin ulit si Maya sa drawing niya at nanlaki ang mga mata nito ng makita iyon.
"Haha!Grabe Laura,inlove ka na talaga,don't tell me ito ang dream house mo," wika ni Maya at sinabayan pa ng ngisi hinabol lamang niya ito pero sa huli siya lamang ang naiwang hinihingal.Ibang klase talaga stamina ni Maya!
Nang mapagod siya ay saka lang hinagis ni Maya ang sketchpad pabalik sa kanya at sinalo naman niya 'yun ng dalawang kamay.
Napangiti lang siya ng masalo iyon at inilapit niya ang drawing sa tapat ng dibdib niya.
"Do you think... I deserve this kind of happiness?"Nakangiti man ay malungkot naman ang tanong niya sa kaibigan.Pinanlakihan naman siya nito ng mga mata.
"But of course! Everyone naman deserves happiness.Teka iniisip mo na naman ba ang tungkol sa past mo?" Itinaas pa nito ang isang kilay at nag-cross arms pa pero nasa mga mata na rin nito ang lungkot.
"I can't help it Maya,lalo pa ngayon na nasa buhay ko na si Philip,Paano kung malaman ng mga kakilala niya na isang anak sa pagkakasala ang nobya niya at ako 'yun?! Pwedeng ako ang magdulot sa kanya ng malaking kahihiyan," pagkawika nun ay nagsimula na rin manginig ang kanyang boses at mangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
Hinawakan naman siya ni Maya sa isang balikat niya.
" Laura, huwag mo'ng ikulong ang sarili mo sa nakaraan, minahal ka ni Philip kung ano at sino ka at iyon ang mahalaga. Sa palagay ko naman totoo siya sa mga sinabi niya sa'yo na kahit ano pang mangyari ay hindi ka niya iiwan," seryosong payo ni Maya sa kanya. Hinagod nito ang buhok niya nang magsimula na siya'ng umiyak.
"Natatakot ako na masaktan siya ng dahil sa akin, pero natatakot din ako na mawala siya sa akin. Lalo pa ngayon na ... natututo na ako'ng mangarap...nangangarap ako na sana ...sana... siya na rin ang huling lalaki sa buhay ko," wika niya habang umiiyak sabay tingin sa sketch pad niya kung saan katatapos niya lang i-drawing ang "dream house" niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17178438-288-k115764.jpg)