Chapter 30: A Lady in Distress

484 10 4
                                    

Chapter 30:

Sa kabilang-dako, walang kamalay-malay si Philip sa nakatakdang mangyari sa pagitan ng dalawang babaeng naging malaki ang bahagi sa puso niya.

"Jessica, please stop the car at the park," utos ni Chloe sa secretary niya, ito rin kasi ang tumatayong personal driver niya. Tumango naman sa kanya ang secretary niya.

Hindi nagtagal ay nakahinti na nga ang kotse niya sa isang pampublikong park. Iginala niya ang mga mata sa paligid, may mangilan-ngilan na bata na naglalaro sa playground, ang iba sa mga taong naroroon ay nakaupo sa mga pandalawang bench na nakapwesto sa ilalim ng mga puno at ang iba naman ay naglalakad-lakad lamang.

" Ma'am Chloe, do you need anything?" masuyong tanong ni Jessica. Umiling lang siya at marahang binuksan ang pinto ng kanyang kotse.

"I'll just walk at the park. I'll be back in just a few minutes, thanks," kaswal na paalam niya rito.

Pagkababa naman sa kotse ay lumanghap muna siya ng hangin sa paligid, amoy-dahon iyon palatandaan na sariwa ang hanging kasalukuyang pumupuno sa kanyang baga. Nagsimula na siya'ng maglakad-lakad sa paligid.

Nakasalubong siya ng couple, may tig-isang ice cream cone ang mga ito at naglalambingan ang dalawa habang naglalakad. Hindi niya napigilan ang mainggit sa mga nakita. Kailan nga ba sila huling kumain at naglambingan ni Philip nang kagaya sa dalawang iyon? Ahhh... hindi na niya maalala.

May isang buwan na rin marahil simula ng pormal na makipagkalas sa kanya ang nobyo. Noong una hindi siya makapaniwala na magagawa ni Philip na ipagpalit ang halos anim na taon nilang relasyon sa isang babaeng iilang araw pa lamang noon na nakikilala ng kanyang nobyo. Hindi niya napigilan na hindi mapatiim-bagang dahil sa mga naalala.

Ang hirap ... halos araw-araw tinatanong niya ang sarili, saan pa ba siya nagkulang?

Sa halos anim na taon ... she tried her best to be the ideal girlfriend for Philip. Kahit kulang ito ng panahon para sa relasyon nila ay inunawa niya ang binata, sa pag-asang susuklian man lamang nito ng katapatan ang pag-ibig niya. Pero masisisi nga ba niya si Philip? Kung ang kasalanan nito ay matuto lamang din na magmahal? Hindi nga ba at nagawa pa nito na umiyak sa harapan niya? Bagay na noon lamang niya nakitang ginawa ng lalaki.

At ang katotohanang iyon ay dumudurog pa rin sa puso niya hanggang ngayon.

Nang makakita siya ng isang bakanteng bench ay nanghihinang napaupo siya roon. Ahhh... mainit ang simoy ng hangin pero nababalot naman ng lamig ang puso niya.

Sino ba kasi ang babaeng iyon? Ano'ng meron siya na hindi nakita ni Philip sa kanya?

Sa sama ng loob niya ay hindi niya napigilan ang mapaluha. Nakaramdam na naman siya ng pag-iisa. Nakaramdam na naman siya ng pangungulila.

Nasa ganoong punto ang pag-iisip niya ng mapansin niya na may isang tao na nakatayo sa gilid niya, sa bandang kaliwa. Napalingon siya rito. Napatitig siya sa mukha ng taong kaharap niya ngayon. Nakangiti ito ngunit malungkot ang mga mata na nakatingin din ito sa kanya.

"You look familiar, wait, yeah right I remember, You are one of those girls who saved awhile ago at the mall, right?" Nagulat na wika niya sa babae. Marahan itong tumango sa kanya.

" I'm sorry but I forgot your name," hinging-paumanhin niya sa kaharap. Agad naman niyang pinunasan ng panyo ang mga luha na naglandas sa kanyang mga mata.

" I'm Laura, and you are Chloe, right?" Pakilala at tanong nito sa kanya. Tipid siyang ngumiti rito bago sumagot.

" Ah, yes, nice to see you here, what a coincidence, Laura! Have a seat, I'm just alone here," alok niya sa babae. Umusod siya sa kailang gilid ng upuan para makaupo rin ang babae sa tabi niya.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now