Chapter 8: The Break Up

281 10 0
                                    

Nalula ako sa laki ng opisina ng isang Philip Adam Banes.Organized ang lahat ng mga bagay na naroroon,malinis tignan ang paligid lalo pa nga at neutral lamang ang mga kulay na naroroon,black & white.Sigurado rin sya na walang furnitures ang naroroon na libo lang ang halaga,take it from an Architect/Interior Designer na gaya niya.Napabuga sya na hangin,may 30 minutes na siguro siya'ng nakaupo sa kulay black na sofa na 'yun na laan ata talaga para sa mga bisita.Ang sabi kasi ng Secretary ni Philip nasa Urgent Meeting daw ito,pero nagpasabi na raw ang lalaki na darating ito ng 2:00 p.m. para i-meet sya.

At 1:45 p.m. na sa relong pambisig niya.

Teka, ano naman kaya ang sasabihin nya rito kapag nakaharap na niya?

Napahawak sya sa tapat ng dibdib nya, grabe ang kaba na nararamdaman niya.

Habang malalim ang iniisip niya ay may mga kamay na nagtakip sa mga mata niya.Nagulat siya at napasinghap,naamoy na niya kasi ang men's perfume ni Philip at sigurado siya na ang lalaki ang may-ari ng mga kamay na 'yun.

"Guess who?" Tanong nito.Sigurado siya na nakangiti rin ito.

Napangiti rin siya ng marinig ang magandang boses nito na nagdudulot sa kanya lagi ng abnormal na kaba sa dibdib.

"Pikachu?!" Ganting biro niya rito. At natawa ito na inalis ang mga kamay sa mga mata niya.

"Ang gwapo ko naman para maging si Pikachu," wika nito sa tinig na di makapaniwala.Hinila siya nito dahilan para mapatayo siya sa sofa at saka siya niyakap ng mahigpit.

"I missed you," bulong nito sa punong-tainga niya.Gumanti naman siya ng yakap.

"Ang O.A. ah kagabi lang magkasama tayo at kanina'ng umaga tinawagan mo pa ako," paalala niya sa lalaki.

Hinawakan naman siya nito sa balikat at marahang inilayo ng konti mula sa katawan nito.

"Kung alam mo lang na minu-minuto kita'ng iniisip.Kung alam mo lang na kung pwde lang sana ay araw-araw kita'ng kasama.That is how much you mean to me,sweetheart," seryoso at may pagka-romantikong wika nito,ginawaran din siya ng halik nito sa noo.

"Oh Philip I don't know what to say," overwhelmed na wika niya. Hinawakan naman siya nito sa isang pisngi.

"Say that you love me and that's enough," nakangiting wika nito.

Napailing naman siya. Malungkot na napatungo siya ng ulo, hindi niya kaya'ng salubungin ang mga titig nito.

"Hey, what's wrong?" Takang tanong nito at itinaas muli ang mukha niya sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang baba.

Kasalukuyan na noon na nangingilid ang kanyang mga luha.

"Philip... I already knew who you are," wika niya sa nanginginig na tinig.

"And that's the reason why you were here?And so what's the big deal for knowing who I am?!" Nasa boses nito ang bahagyang iritasyon.

"It's a big deal,Philip.You're not just an ordinary person like me, and it's a shame that you still want me that much," palahaw ng wika niya at doon na tumulo ang kanyang mga luha.

"C'mon,Laura.Kung nagkakaganyan ka dahil hindi ko sinabi na Presidente at CEO ako ng isang kumpanya,then,I'm sorry," frustrated na wika nito.

"And I'm sorry for messing up your time.If only I knew the truth,eh di sana..." humihikbing wika niya.

"Eh di sana ano?Tell me!Dammit!Laura, kung pinagsisisihan mo na ngayon na naging tayo,I'm sorry to say this but...there's no way for you to run away from me dahil hindi ako papayag!" Galit na wika nito sa kanya.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now