Chapter 39: End of Summer

38 1 0
                                    

Limang araw nanatili sa ospital si Laura bago ito pinayagan ng mga doktor na sa bahay na lamang ituloy ang pamamahinga tutal naman ay malayo na ito sa kapahamakan.

Sa tahanan ng mga Yee.

Mahigpit na yakap ang isinalubong sa kanya ng mama at papa niya. Kapag umaga ay ang mga magulang niya ang naging mga bantay niya sa ospital habang sa gabi naman ay nagsasalitan ang mga kaibigan niya sa pag-aalaga sa kanya at siyempre kasama na roon si Yuan.

Ipinaghanda siya ng mga magulang niya ng isang maliit na party,kumpleto ang mga kaibigan niya andun sila Maya,Claud, Priscilla, Franz at Yuan.

Hindi pa rin talaga siya nagpapakita...

" Teka invited ba?" Ang walang prenong tanong ni Priscilla, pasimpleng siniko ito ni Franz.

" Iyang bibig mo minsan turuan mo rin salitang discreet," pagtataray ni Franz kay Priscilla. Nagroll eyes lang dito si Priscilla.

" Kasi naman kung hindi invited bakit pa ieexpect na darating, di ba Claud?" Paghahanap pa ni Priscilla ng kakampi.

Uminom lang ng pineapple juice si Claud.

" What if sabihin ko sa inyo na invited siya?" Walang babalang tanong ni Maya sa kanila. Iisa lang ang naging reaksyon ng barkada pinandilatan ng mga ito si Maya maliban sa kanya na natahimik lang.

" Invited nga siya pero sad to say ang sabi ng secretary niya sa akin ay nasa Ilocos daw si Philip," kaswal na kaswal na wika ni Maya sa kanila.

" And who cares?!" Maanghang na reaksyon ni Claud.

" Hindi nga naman siya kawalan," kampi rito ni Priscilla.

" Alam nyo kayong dalawa anti-Philip talaga kayo," komento ni Franz.

" Don't tell us Franz na pro-Philip ka kahit na kasama pa natin ngayon si Yuan," pormal na wika ni Claud.

Hindi agad nakasagot si Franz.

" Girls okay lang ako ano ba," nangingiting wika ni Yuan.

" Saka bakit ako ang inaalala nyo hindi ba dapat si Laura?" Dugtong pa nito na lumingon sa gawi niya. Nag-iwas lang siya ng tingin.

" Wala ka na ba talagang planong kausapin siya ha Laura?" Seryosong tanong ni Maya sa kanya.

" He deserves some words from you, Laura," bigay-payo ni Franz.

" Okay, para matapos na ito bakit hindi natin siya puntahan sa Ilocos? Sasamahan ka namin Laura," Hindi naman maipinta ang mukha na wika ni Claud.

" Kung ako sa'yo Laura pumayag ka na bago pa magbago ang mga isip namin na samahan ka," nasa tinig naman ni Priscilla ang himig pagbibiro.

Ngumiti siya sa mga kaibigan.

" I think I have to handle it on my own, tutal ako ang may kasalanan sa kanya," buo ang loob na wika niya.

Tumahimik lang ang lahat.

" Ihahatid kita," pagboboluntaryo ni Yuan.

Marahan na lamang siyang tumango sa kaibigan.

Kinabukasan ng umaga ay umalis na sila ni Yuan papuntang Ilocos. Ibinigay lang ni Maya ang address ng hotel kung saan nag-istay si Philip.

" Kaya mo?" May pag-aalala na tanong ni Yuan sa kanya. Nasa loob pa rin sila ng kotse nito.

" Dapat kayanin ko," pagbibigay niya ng lakas ng loob sa sarili. Marahan niyang binuksan ang pinto ng kotse.

Bahala na ...

Midst of SummerWhere stories live. Discover now