Chapter 37: Reunited

160 3 0
                                    

Tatlong buwan na lamang at kasal na nila ni Chloe. Si Chloe na girlfriend niya sa loob ng anim na taon. Si Chloe na iniwan niya noon ng dahil kay Laura. Si Laura na pinakamamahal niya ngunit sa huli ay iniwan naman siya.



" Hey, bro, you look awesome in that suit, wow pare I envy you, I can't imagine na ikakasal ka na talaga," si Timothy iyon at nasa tinig nito ang excitement.

Kasalukuyan sila noon na nasa shop ng isang sikat na couturier/designer para sa fitting ng mga suits na gagamitin sa kasal nila ni Chloe. Abala pa kasi si Chloe sa mga negosyo nito sa Singapore kaya ang best friend na si Timothy lamang ang kasama niya ngayon.

" And in the end, ikaw at si Chloe talaga ang para sa isa't-isa,"

" I am thankful for Chloe, she fixes me from being miserable," kaswal na wika niya lamang sa kaibigan.

Lumapit sa tabi niya si Timothy at hinawakan siya sa isang balikat.

" You know what,Philip? Bestfriend mo ako and ever since na nakipagbalikan ka kay Chloe you know how happy I was, pero kilala kita alam ko na sa puso mo ay si Laura pa rin ang mahal mo. I just hope na bago man lang sana kayo ikasal ni Chloe ay tuluyan mo ng kalimutan ang pag-ibig mo kay Laura, mabuting babae si Chloe, she deserves your loyalty,Philip," payo sa kanya ng kaibigan.

" I appreciate your advise,Tim. To be honest yes,may feelings pa nga ako kay Laura, pero hindi ako nakipagbalikan kay Chloe para maging panakip-butas lang siya kay Laura. Dahil if there's a woman in this world who deserves my everything ay si Chloe iyon, and I promised to myself that I'll be a good husband to her once makasal na kaming dalawa,"

" You sounds like ... dahil wala ka ng option kaya nakipagbalikan ka kay Chloe,"

" That's not true! I love her, hindi nga lamang kasinglalim ng naging pagmamahal ko kay Laura," furious na wika ni Philip sa kaibigan.

" What if? Magkita kayong muli ni Laura?Iiwanan mo ba ulit si Chloe kagaya ng nangyari noon?" Timothy is testing Philip's word.

Saglit na natigilan siya. Sa totoo lang ilang beses na niyang naitanong iyon sa sarili niya. And his answer is always...

"No! Hindi ko na kaya ang makipagbalikan kay Laura. Masyado na ako'ng nasaktan noon at wala akong plano na magpakatanga ulit ngayon, I have to be skeptical pagdating sa usaping emosyonal dahil it serves me no good at all," Tanggi niya.

"Fine. Whatever your decision is, alam mo naman na lagi lang akong nandito para sa'yo, because I am your bestfriend," nangingiti na lamang na wika ni Timothy sa kanya.

" I know. That's why I'm very thankful dahil naging kaibigan kita, no, you're not just a friend but a brother to me,"

Tumawa naman si Timothy sa mga sinabi niya.

" Tama na nga at masyado na tayong nagiging madrama, oh siya mukhang ayan na ang suit na isusukat ko, wait lang," Paalam nito at sinalubong nito ang assistant ng designer, hawak kasi ng assistant ang suit na gagamitin naman ni Timothy sa kasal niya.

Saglit pa at naiwan siya'ng mag-isa sa lounge ng shop.

Kung magkita man tayong muli Laura... Ahhh... Huwag na lang sana... Dahil ang totoo hindi ko alam ang gagawin ko.

**********************************************************************************************

" Hey! Laura, kanina ka pa nagmumukmok diyan ah, huwag mo sabihin umuwi ka rito sa Pinas para lang mag-emo," si Franz iyon na nilapitan siya sa kinauupuan niyang bench sa bandang dulo ng swimming pool. Straight from the airport ay nagpunta silang lima na magbabarkada sa isang beach resort sa Batangas.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now