Chapter 20: In the Midst of a Revelation (The Beginning of an End)

719 11 0
                                    

For every season ends , only memories remain. - The Author

Hindi mailarawan ang saya sa puso niya nang dumilat ang mga mata ng papa niya pagkatapos na mailigtas ito ng mga doctors mula sa bingit ng kamatayan. Hindi rin matapos ang pagpapasalamat niya sa Maykapal dahil dininig nito ang panalangin niya na sana mabigyan pa siya ng pagkakataon na makasama ng buhay ang papa niya.

Pagkatapos magkamalay ng papa niya ay nag-undergo pa muna ito ng mga laboratory tests para masiguro na malayo na talaga ito sa kapahamakan. Nagpasya sila ng mama niya na roon magpalipas ng magdamag sa kwarto ng papa niya. Tulog na tulog ito pero ang kaibahan lamang sa sitwasyon ngayon ay alam nila na ligtas na ito at kasalukuyan na lamang nagpapahinga.

Kinaumagahan... Nagising na lamang siya sa marahang paghaplos ng papa niya sa kanyang buhok. Sa gilid kasi ng kama nito siya nakatulog. Nag-angat siya ng tingin at nakangiting mukha ng papa niya ang agad niyang nabungaran.

" Papa, kamusta ka na po?" Masayang bati niya rito.

" I'm fine hija, medyo sumasakit lang ang likod ko dahil sa matagal na pagkakahiga," nakangiting turan nito sa kanya.

" Gusto nyo po bang tumawag ako ng doctor o gusto nyo pong alalayan ko kayong makasandal sa headboard?" Nag-aalalang tanong niya sa ama. Marahang umiling ito. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang isang palad.

" I'm happy to see you again, my princess, " malambing na wika nito sa kanya. Nangilid naman agad ang mga luha niya.

" Pa, I'm also happy that you came back to life, I was really scared when I saw you almost dying," gumaralgal ang tinig niya. Bahagyang natawa naman ang papa niya.

" You know what hija, hanggang ngayon crybaby ka pa rin, " biro ng papa niya sa kanya. Agad naman niyang pinunasan ang mga nangilid na luha, sabay lumabi siya sa papa niya.

" Hay naku papa, magaling ka na talaga, nagagawa mo na ako'ng tuksuhin eh," nakangiting turan niya rito sabay tawa ng bahagya. Yumakap pa siya sa papa niya.

" Hindi pa 'ata talaga ako pwedeng mawala because I still need to make sure that I am leaving you to the right guy that you deserve to have for the rest of your life, " pormal na wika nito pero nakangiti naman.

" Pa, please don't mention anything about leaving us, iniisip ko pa lang naiiyak na ako," mahinang bulong niya rito.

" Okay, but wait where's your mom?" Biglang tanong ng papa niya.

" She went home awhile ago, she needs to make some calls so everybody will know that you're doing good now," nakangiting turan niya sa ama.

" It means you have to face your other siblings?" Seryosong wika ng papa niya. Napabuntong-hininga naman siya.

" They also have the right to see you, papa," nakangiti siya pero may bahid ng lungkot ang kanyang mga mata. Marahan na naman pinisil ng papa niya ang isa niyang kamay.

" I'm sorry for bringing you in this kind of situation, Laura, " hinging-paumanhin ng papa niya. Napailing siya.

" Don't say that,pa, I do understand," nakakaunawaang tumingin siya sa ama.

Pagkawika niya ng mga katagang iyon ay marahang bumukas ang pinto ng silid ng papa niya.

Si Philip ang unang bisita na nabungaran ng papa niya.

" And who are you young man?" Nakakunot ang noo na tanong dito ng papa niya. Alanganing ngumiti naman si Philip.

" Hi Mr. Yee, I am Philip Banes, Laura's boyfriend," Magalang at walang babalang sagot nito sa kanyang ama. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ng papa niya agad din ito'ng tumingin sa direksyon niya.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now