Chapter 32: When The Past & The Present Meets

630 5 0
                                    

Chapter 32:

" Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Philip sa kanya. Bahagya lamang siya'ng tumango. Shocked pa rin siya sa muling pagkikita nila ng kanyang kapatid na si Chelsea.

Inihatid na agad siya ni Philip sa condo nila ni Maya. Napansin kasi nito na after ng incident niya with her ate ay naging uneasy na siya sa party. Nasa loob pa rin sila ng kotse nito at tila ba sila nagpapakiramdaman.

" T-thank you, Philip," mahinang bulong niya.

" You don't have to thank me, it's my responsibility to protect you dahil boyfriend mo ako," masuyong wika nito. Bahagya siyang ngumiti rito.

" Alam mo ba kung bakit ganun na lamang ang galit sa akin ni Ate Chelsea?" Ang bigla niyang tanong sa nobyo. Hindi naman kumibo si Philip. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy sa sasabihin.

" Anak ako sa pagkakasala, at hanggang ngayon hindi ako tanggap ng unang pamilya ni Papa. Kaya hindi ko ginagamit ang apelyidong Yee bilang respeto ko sa kanila," malungkot na kwento niya sa nobyo.

" Pero kasal na ang parents mo Laura at dapat matanggap na nila iyon, you're no longer illegitimate, may karapatan ka na sa apelyido ng papa mo," depensa ni Philip sa kanya.

" Sa papel oo, pero hindi sa mata ng mga taong nasaktan ng pagmamahalan nila mama at papa. Ikaw Philip hanggang kailan mo gugustuhin ang isang bastardang tulad ko? Paano kung malaman ng mga kaibigan at pamilya mo ang tungkol sa nakaraan ko? I'm sure ikahihiya rin nila ako," malungkot na sagot niya rito. Napakagat-labi siya dahil pinipigil niya ang mapaluha.

Marahan naman pinisil ni Philip ang isang pisngi niya.

" Wala ako'ng pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga lang sa akin ay makasama ka, kuntento na ako sa ating dalawa," masuyo ang tinig nito at seryoso ang ekspresyon ng mukha nito.

"Pero hanggang kailan magiging tayo?I don't deserve you, Philip. Hindi ko nga alam bakit hanggang ngayon isinisiksik ko pa rin ang sarili ko sa'yo, to think na darating ang araw na posibleng magkalayo rin tayo," anxious na wika niya rito.

"I'm hoping na hindi dumating sa atin ang araw na kinakatakot mo,Laura, dahil gagawin ko ang lahat to make our relationship lasts forever, hindi ko kaya ang iwan ka, not even in my dreams," lalong sumeryoso lang ang mukha ni Philip. Dinampian pa siya nito ng isang halik sa noo at saka siya niyakap ng mahigpit.

"Paano mo nasasabi sa akin ang lahat ng iyan Philip? Kung ang anim na taon nga na relasyon mo sa ex-girlfriend mo ay natapos paano pa kaya ang sa atin? Hindi natin masasabi ang bukas, paano kung, paano kung ..." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang hinalikan ni Philip sa kanyang mga labi.

"What I had with my ex was already a part of my past. Ikaw na ang ngayon at ang bukas ko, Laura. Mahal kita, mahal na mahal," bulong nito at niyakap ulit siya ng mahigpit.

Luhaang inihilig na lamang niya ang ulo sa malapad na dibdib ni Philip. Ahhh... kung maaari nga lamang sanang malaman ang bukas, pero ang sigurado lang niya ngayon ay wala siyang pinakamamahal kundi si Philip.

Kinabukasan sa opisina nila ni Maya ...

Salubong ang mga kilay ng kaibigan niya nang pumasok ito sa opisina, galing ito ng Laguna at kinausap nito ang kliyenteng binanggit ni Claud sa kanila pero sa nakikita niyang reaksyon sa mukha ni Maya ay mukhang may pangit na nangyari sa lakad nito.

" What's wrong Maya?Na-turn down ba ang proposal natin?" may pag-aalala sa tinig niya. Umiling ito. Dumiretso ito sa desk na laan dito at ibinagsak sa swivel chair ang bag nito.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now