Ano ba kasi'ng nangyayari sa kanya? Alam niya na mali ang kasalukuyang nangyayari sa kanya, mali na magtiwala agad siya sa isang estranghero. Pero bakit ganun hindi niya magawa na magalit sa sarili dahil sa mga oras na iyon ay aaminin niya ... masaya siya.Masaya siya na nakilala at kasama nila ngayon si Philip.
" Are you okay Laura?" Nagtatakang tanong ni Philip sa kanya.Kunot ang noo nito na nakatitig sa kanya.Bigla siya'ng na-conscious kaya nagbawi siya ng tingin sa lalaki.
Kasalukuyan sila noon na nakatayo sa isang Pasalubong Store sa may Calle Crisologo. Hinihintay nila matapos mamili ang mga kaibigan niya na nasa kabilang kalye pa bumili ng mga pasalubong.Kaya ayun naiwan tuloy sila'ng dalawa sa kabila side ng kalsada. Pero kutob na niya,sinasadya yun ng mga kaibigan dahil masaya ang mga ito na nakikita'ng nagba-blush siya at may lalaki'ng nakaka-appreciate sa kanya.
"May dumi ba sa mukha ko?" Dugtong na tanong pa nito. Napa-angat tuloy ulit ang mga mata niya para pagmasdan ang mukha ng lalaki.Ang bilis ng ginawa niya'ng pag-iling.
"Wala naman," Tipid niya na sabi. Ngumiti lang ang lalaki sa kanya. Ewan, pero biglang nag-abnormal ang tibok ng puso niya. Ganito ang naramdaman niya noong gabi na nakita niya ito mula sa malayo, ang kaibahan nga lang ngayon ay mas malakas iyon na tipong gusto niya'ng mabingi sa lakas ng tibok ng puso niya. Subconsciously dinama niya ang bahagi kung saan naroon ang puso niya.
"Hey,are you sure you're okay Laura?Bakit parang namumutla ka na?" May pag-aalalang wika ni Philip.Tangka pa sana siya nito na lapitan siya pero napaatras siya ng isang hakbang mula rito.
"Are you afraid of me?"Kunot-noo na namang tanong ng lalaki.Hindi na ito humakbang palapit sa kanya.
"I-I'm sorry Philip pero oo medyo natatakot nga ako. H-hindi kasi ako sanay na ganito," sa wakas ay nasabi niya rin ang nararamdaman pero nanginginig ang boses niya at medyo pinanlalamigan din siya ng pakiramdam.Oh yeah she's anxious because of him.Pero iyon lang ba talaga 'yun?
"You don't need to be sorry,Laura. I understand how you feel towards me. I'm a totally stranger yet I'm trying to mingle with your group, kahit siguro ako matatakot," Pinipilit nito'ng pagaanin ang mood sa pagitan nila sa pamamagitan ng matamis nito'ng ngiti.Oh stop it please,you don't know what you are doing to me right now. Lihim niya'ng bulong sa sarili.
" Pero wala ka'ng dapat ikatakot sa akin,Laura. Hindi ako masamang tao, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na makipagkaibigan agad sa'yo.I don't want to lose this chance to meet an angel like you," Bigla ay sumeryoso ang mga titig nito sa kanya at lumamlam din ang mga mata nito na wari naman ay kinukumbinsi siya na maniwala. Gusto niya'ng sabihin na naniniwala siya rito but it's too early for that.
"Hindi ako anghel gaya ng iniisip mo,Philip. Soon kapag nakilala mo na ako, mawawala rin 'yang paghanga mo sa akin," Siya naman ngayon ang tila kumukumbinsi sa lalaki na huwag magpakita ng paghanga sa kanya.She doesn't deserve someone like him.He's overqualified para maging boyfriend niya,kung looks lang din naman ang pagbabatayan. What?! Bakit naisip niya agad ang possibility na maging boyfriend ito? Teka siya na ata talaga ang may problema.
"Then we'll see kung totoo nga ang sinasabi mo, pero kapag hindi nagbago ang feelings ko sa'yo,papayag ka ba na manligaw ako?" Seryosong tanong nito. Napanganga siya.
"Huh?Teka bakit naman tayo napunta sa panliligaw? Kanina gusto mo lang maging friends tayo,masyado ka naman mabilis Mr.Banes?" Naguguluhan niya'ng tanong sa sarili.Tinawanan lang siya ng lalaki dahil sa nakita'ng panic sa mukha niya.
" Like what I have told you earlier, I don't want to lose this chance to meet an angel like you and if my feelings wouldn't change I'll do everything just to make you mine, " Prangkang wika ng lalaki,nakita niya rin na determinado ito na gawin ang mga sinasabi. Wow,over pala talaga ang confidence ng lalaking kaharap niya ngayon.Napakurap siya.