Chapter 34:When A Man Falls in Love

654 4 0
                                    

Chapter 34:

" Laura..." natitigilang tawag ni Philip sa pangalan niya. Nasa loob sila ng kotse nito, habang si Maya naman ay nagpasya ng mauna sa pagbalik sa opisina nila.

"I'm sorry Philip hindi ko lang alam kung ano ang iisipin ko ngayon, naguguluhan ako. Pakiramdam ko may mali na dapat kong itama," naiiyak na turan niya sa nobyo. Nakayuko siya at pinagmamasdan ang nagbubuhol-buhol na daliri niya na nasa ibabaw ng kanyang kandungan.

" Kung isisisi mo lang ang mga nangyari sa sarili mo,Laura, ako na ang nagsasabi sa'yo na wala kang kasalanan. Maayos kaming naghiwalay ni Chloe, aaminin ko nasaktan ko siya pero mas masasaktan ko siya kung ipagpapatuloy ko ang relasyon namin noon na ikaw na ang mahal ko," nahihirapan ang kalooban na wika ni Philip sa kanya.

"Naniniwala ako na mahal mo ako Philip, pero ngayon na nakilala ko na si Chloe, nanliliit ako sa sarili ko. Hindi ako ang babae para sa'yo Philip, si Chloe, si Chloe, siya ang larawan ng isang babaeng nararapat sa katulad mo," nanginginig ang tinig niya at hindi matigil ang kanyang pagluha.

"Don't say that,Laura, ikaw lang ang babae para sa akin, ikaw lang," pagsalungat ni Philip.

Saglit na katahimikan.

"Ako ba Laura, gaano mo ako kamahal?" Nasa tinig ni Philip ang magkahalong lungkot at pag-aalinlangan.

Nabigla na tinitigan niya ito at nakita niya sa mga mata ng lalaki ang kalungkutan.

"I love you ... I love you more than my life, but I know that you know how much I fear to lose you," malungkot din na sagot niya rito.

Kinuha ni Philip ang isang kamay niya at marahang pinisil.

" Iyo lang ako,Laura, kahit ipamigay mo ako sa iba, babalik at babalik lamang din ako sa piling mo.Tandaan mo sana 'yan, I am yours and you are mine," puno ng sinseridad na wika ni Philip sa kanya.

Yumakap siya rito at sa dibdib nito ay lumuha siya.

"I'm sorry Philip, I'm sorry if I made you fall for me, even if I am not the right woman for you, but now I clear up my mind," pagkawika noon ay kumalas siya sa pagkakayakap sa lalaki. Dalawang kamay na ikinulong niya ang mukha nito at pinakatitigan mabuti.

"I'm sorry, but I have to let you go," luhaang wika niya rito.

Lumarawan naman ang pagkagulat sa mukha ni Philip at hindi ito nakapagsalita agad.

Sinamantala niya ang sandaling iyon kaya nagmamadali siyang bumaba sa sasakyan nito.

Nakakailang hakbang pa lamang siya palayo sa kotse nito ay sinundan na agad siya ng lalaki.

Nagtatagis ang mga bagang nito at larawan ito ng kasawian.

Nang abutan siya nito ay hinawakan siya ng lalaki sa magkabilang balikat.

"Don't do this to me, Laura. C'mon be reasonable, Laura!" Hindi napigilan ng lalaki ang tuluyang magalit sa kanya.

Umiling siya.

"Hindi pa pala ako handa para sa isang katulad mo, Philip, I'm sorry, just let me go, please," nasa tinig niya ang pakiusap.

Nanghihinang binitawan siya ng lalaki.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now