Chapter 5:Missing You

328 12 1
                                    

Tulala... Malayo ang tingin... Walang ganang kumain ... Ngumingiti pero hindi masaya ... nakatawa pero saglit lang ay lumuluha na... ganun siya sa dalawang araw na nakalipas.

Kagaya ngayon trip niya ang maupo sa ibabaw ng isang puno ng niyog na bumagsak malapit sa buhanginan.Tinatanaw nya ang mga kaibigan na sina Priscilla at Franz na naghaharutan sa hanggang beywang na lalim ng dagat.Hindi nagtagal ay dumako naman sa pinakadulong bahagi ng dagat ang mga mata niya na mugto na sa kakaiyak. As if sa dulo ng dagat lilitaw ang taong dahilan ng labis na sakit na nararamdaman niya.

"Sinasabi ko na nga ba at magmumukmok ka lang dito,"si Maya 'yun na nagsalita mula sa kanyang likuran.

Pilit siya'ng ngumiti sa kaibigan.Tinabihan naman siya nito sa kinauupuang katawan ng puno ng niyog.

"Bakit ba kasi pinakawalan mo pa kung ganyan din pala ang magiging drama mo ngayon," pagkatapos ay napabuntong-hininga ang kaibigan niya.

Tinignan niya ito ng mga ilang segundo.

"Maya,paano mo natiis ang ganito?"wala sa loob na tanong niya rito.

"Ang alin?"kunot-noong tanong nito.

"Ang ganito katinding sakit..." muli ay nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Sa palagay mo ba,hindi na ako nasasaktan kapag naaalala ko kung paano kami nagkahiwalay ni Gion,masakit pa rin dito,"at itinuro pa ng kaibigan ang tapat ng kaliwang dibdib nito.

"Pero kung pinili natin ang lumayo sa mga taong mahal natin,we have to endure this pain,Laura," malungkot na sabi nito.

"Pero parang hindi ko na kaya,ang sakit-sakit kasi," at tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa kanyang mga pisngi.Niyakap naman sya ni Maya.

"Kung nasasaktan ka ng ganyan,normal 'yan dahil mahal mo na siya,"hinagod nito ang likod niya ng magsimula na siya'ng humagulgol ng iyak.

"Walang nagmahal na hindi nasaktan,Laura. Pero kahit nasasaktan ka atleast alam mo na nagmamahal ka talaga," Tinignan niya sa mga mata ang kaibigan.May lungkot din sa mga mata nito. Lungkot na dulot din ng pangungulila.

"Hay naku!Bakit ba kasi sobrang init ngayon?!Halika na nga at iligo na lang natin 'yang lungkot mo at baka sakaling gumaan naman ng konti ang nararamdaman mo," tumayo na si Maya at hinila siyang pilit papunta sa mga kaibigan nya na walang sawa sa pagtatampisaw sa tubig-dagat.

Kinagabihan...

Naisip ng mga kaibigan niya na gumawa ng bon fire.Si Claud ang toka sa gitara,si Franz at Priscilla naman ang nag-iihaw ng hotdogs at marshmallows.Habang si Maya naman ay inaabala ang sarili sa pagnguya ng Lay's at Pringles.Napapailing na napapangiti lang siya kay Maya,dahil isa man ito sa mga matatakaw sa grupo nila ay hindi naman ito nataba.

Hindi nagtagal ay nagkakantyawan na sa grupo nila,inisan to the max si Priscilla at Franz dahil naungkat na naman ang eksena nila ni Priscilla with the knight-in-a-shining armour named Ronan.

"Sinabi na kasi'ng wag ng pag-usapan ang tungkol sa mayabang na kalbo na 'yun,"nakalabi na turan ni Priscilla.

"Bakit ba kasi ayaw mo na lang aminin na crush mo 'yung mayabang na kalbo na 'yun,"si Franz na wala talagang plano na tantanan si Priscilla.

Nag-roll eyes lang si Priscilla.

"Oo nga Priscilla,ikwento mo na samin kung bakit kulang na lang ay isumpa mo si Ronan,baka naman siya pala ang destiny mo," nakangiting biro niya rito.

"At isa ka pa Laura.Naku naman kapag nagkaroon ka nga naman ng mga kaibigan na pinaglihi sa kakulitan,"napasabunot na lamang si Priscilla sa mahaba nito'ng buhok at sabay pakawala ng matinis na tili.Alam nila totohanan na ang inis nito pero cute pa rin kasi ang kaibigan niya kaya sa halip ay napapangiti na lamang siya sa mga reaksyon nito.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now