Chapter 23: Yuan Bids Goodbye to His First Love

474 9 0
                                    

Napatigil siya sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan dahil may kumakatok sa pintuan ng silid niya.

Sino naman kaya ang posibleng maging bisita niya ng ganoon kaaga?

Pupungas-pungas na bumangon siya sa kama.

Saglit na nag-inat ng mga braso at nagmamadaling tinungo niya ang pinto.

Hindi siya nakaimik agad ng makita niya kung sino ang kanyang bisita.

Si Laura. Ang babaeng laman na ng kanyang isipan simula pa kagabi hanggang kanina na magising siya.

Kagaya pa rin nag dati taglay pa rin nito ang kagandahang ni minsan ay hindi niya pagsasawaang pagmasdan. Pakiramdam niya kasi ay para ito'ng isang anghel na bumaba lamang sa langit dahil sa taglay nito na inosenteng ganda.

" Bakit ang aga mo ata napasyal dito,Laura?" Nakangiting bungad niya sa kaibigan. Nakita niya ang hesitation nito na magsalita, alanganin ito'ng ngumiti rin sa kanya.

" Gusto sana kita'ng makausap ng personal," alanganin din na wika nito. Napatango naman siya at bahagyang niluwangan ang pinto para malayang makapasok sa loob si Laura.

" Halika, tuloy ka muna, kagigising ko lang kasi if you don't mind I just take a quick shower," kaswal na paalam niya sa kaibigan. Tumango naman ito.

Inilang hakbang niya lamang ang banyo sa loob ng kanyang silid. Habang naliligo ay hindi niya rin maalis sa isip ang mga posibilidad na pwede nila'ng pag-usapan ni Laura mamaya.

Nakahanda na ng ba siya na magtapat ng totoong nararamdaman niya para sa matalik niya'ng kaibigan? He's feeling that he's hiding for more than five years.

Ang ganda talaga ni Laura! Bulong na isip niya. Kasalukuyan siya noon na nasa backstage at pinapanuod ang play na hinanda ng Drama Club kung saan kasali siya at ang dalawang kaibigan niya na sina Laura at Maya.

Nakakatawa man isipin pero ang napiling play ng club nila ay ang walang kamatayang istorya ni Snow White at ang napili bilang Snow White ay walang iba kundi si Laura.

Ang eksena na pinapanuod niya sa stage ay iyong eksena na nakatulog na si Snow White dahil kinagat nito ang apple na inabot sa kanya ng witch na nagpanggap bilang matandang babae at ang role naman na iyon ay pino-portray ngayon ng kaibigan niya'ng si Maya.

" Bagay na bagay kay Maya 'yun role niya,hehe, witch talaga siya," narinig niya na wika ng isang tinig ng lalaki na nasa likuran niya. Nilingon niya iyon at hindi na siya nagtaka na si Gion ang may-ari ng tinig na iyon. Nakangisi pa ang lalaki sa kanya.

" If I'm not mistaken off limits sa mga non-member ng club ang area na ito," kaswal na wika niya rito. Nagkibit-balikat lang naman ang lalaki sa sinabi niya.

" You know me Yuan, walang hindi puwede sa isang Gion Sonaki," kaswal lang din na wika nito pero nasa hitsura naman nito ang pagiging arogante.

" I don't know you so well, Gion, pero sana lang kahit paano maging mabait ka naman sa kaibigan ko," ang tinutukoy niya ay si Maya. Humakbang ang kausap niya palapit sa kinakatayuan niya.

" He knows me for being a bad boy and jerk at kahit mag-ugaling anghel pa ako ay hindi niya rin ako gugustuhin kung ayaw niya talaga sa akin," Pormal na wika ni GIon. Tinignan niya ang mukha nito pero blangko lamang ang ekspresyon ng lalaki.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now