Chapter 22: The Day I Fell in Love with My Bestfriend (Luhan FanFic)

551 10 0
                                    

"There is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment." ― Sarah Dessen, The Truth About Forever

Nagising siya sa malalim na pagkakahimbing at iyon ay dahil sa malakas na ringtone ng cellphone niya. Pilit niya'ng iminumulat ang dalawang mga mata pero hindi niya magawa dahil sa sobrang puyat niya kagabi.

Panaginip?!

No. Hindi panaginip iyon sadyang pati ang subconscious mind niya ay gusto siya'ng kumbinsihin na hindi pa rin talaga siya nakaka-move on.

Dahil sa naisip ay napabuntong-hininga na siya.

Tinatamad na pilit niya'ng ibinangon ang katawan sa kama sabay hagilap sa cellphone niya na usually naman ay nasa ilalim lang ng unan niya. Binasa niya ang name ng caller- Maya-T., tumingin siya sa orasan na nasa ibaba ng side table niya, 8:05 A.M. pa lang ng umaga, kahit kelan talaga malaking istorbo si Maya sa buhay niya!Pero siyempre joke lang 'yun. saka siya napailing-iling sa contradicted opinions ng isip niya.

" Hello? Oh bakit ang aga-aga ako ang napili mo'ng istorbohin ha Maya Takigawa," kunwari'y singhal niya sa kaibigan.

" Me nabalitaan ako ah, at hindi maganda," seryosong bungad ni Maya sa kabilang-linya.

" About what?" Kunwari'y pagmamaang-maangan pa niya.

" Hoy, Yuan, gwapo ka lang but you are not a good pretender kaya pwede ba hindi bebenta sa akin ang drama mo," basag-trip sa kanya ni Maya. Hindi tuloy niya napigilang hindi mapangisi. Oo nga pala si Maya ang kausap niya ... ang babaeng biniyayaan ng "perfect instinct".

" Ano ba kasi ang gusto mo malaman?" Tanong niya rito. Narinig niya na humugot ito ng isang malalim na hininga bago nagsalita.

" Kamusta kayo ni Laura?" Nasa boses nito ang concern. Ilang segundo rin bago siya nakasagot.

" Since kagabi hindi pa kami nagkakausap," kaswal na sagot niya.

" Ayoko sana'ng sa akin manggaling ito, Yuan, but you better talk to her," payo ni Maya.

" Sinabi ko na sa kanya na kalimutan na lamang niya ang mga narinig niya kagabi," sagot niya rito.

" Maybe it's about time para pag-usapan nyo ang tunay na nararamdaman mo para sa kanya," seryosong payo ni Maya.

" Para ano pa? Para guluhin ang relasyon nila ni Philip, no way, Maya, alam mo naman na ayaw ko'ng nasasaktan si Laura at alam ko na mas liligaya siya sa taong mahal niya at si Philip 'yun," may pait sa bawat salita'ng wika niya rito.

" Poor Yuan. Hanggang kailan ka matatakot sa nararamdaman mo para kay Laura? Isa pa naguguluhan din si Laura sa mga narinig niya at gusto mo ba na habambuhay maglaro sa isip ng kaibigan natin ang nadiskubre niya? You know her, kahit mga simpleng worries nagiging burden sa kanya," paalala sa kanya ni Maya.

Subconciously, naisabunot niya ang isang kamay sa magulong buhok niya.

" Hindi ko alam kung paano magsisimula, Maya..." nahihirapan ang tinig na wika niya rito. Napalunok siya ng hindi sinasadya nais niya'ng mawala ang bara sa lalamunan niya na dulot ng pressure na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now