Chapter 26: A Memory to Remember

452 9 0
                                    

Kabanata 26:

Sa wakas makalipas ang isang linggo ay nakabalik na ulit sila ni Philip sa Manila. Pero ilang oras pa lamang simula ng mawalay siya sa mga magulang ay nangungulila na agad siya sa mga ito. Hindi niya napigilan ang mapabuntong-hininga. Kanina pa rin siya nakahiga sa kama niya sa condo nila Maya pero hindi siya dalawin ng antok. Nakarinig siya ng mga katok sa pinto kaya napabalikwas siya ng bangon. Nagmamadaling tinungo niya ang pinto at pinagbuksan ang kumakatok, sino pa nga ba kundi si Maya.

" Istorbo ba?" Bungad na tanong ni Maya sa kanya. May bitbit pa ito'ng unan. Napataas ang isang kilay niya.

" Hey, don't tell me you're planning to sleep here?" Ang tinutukoy niya ay ang kanyang kwarto. Ngumisi lang si Maya sa kanya at nagpatiuna na ito sa pagpasok sa kwarto nya. Napatingin na lang siya sa kisame at naitirik niya ang mga mata sa ere. For sure walang tulugan ang mangyayari sa kanila ni Maya nito.

" Magkwento ka naman, so ano'ng nangyari sa Beijing, kamusta kayo si Uncle William? Kamusta si Tita? Kamusta si Yuan? Balita ko hindi nyo kasabay bumalik si Yuan?" Sunod-sunod na tanong ni Maya. Umupo ito sa ibabaw ng kama niya at nag-indian seat.

" Sa mga tanong mo ano'ng gusto mo'ng unahin kong sagutin?" Balik-tanong niya sa kaibigan. Bahagya ito'ng tumawa.

" Siyempre iyong kay Uncle muna, so okay na si Uncle?" Tanong ulit nito. Tumango siya rito at umupo na rin sa silid ng kama niya.

" He needs regular check up from the hospital pero sabi ng mga doctors malayo na siya sa panganib. But still mabuti na rin iyong nag-iingat kaya doble-bantay si mama kay papa," simulang kwento niya kay Maya. Tumango-tango ang kaibigan.

" Eh kayo ni Yuan, okay naman ba?" Pang-iintriga naman ni Maya sa kanya. Padapa siya'ng humiga sa kama at kinuha ang unan niya at doon nangalumbaba.

" Oo, nagulat ako but at the same time natakot, I don't want to lose Yuan," seryosong sagot niya sa kaibigan.

" Manhid ka kasi," maikling wika ni Maya. " NI minsan ba hindi pumasok sa isip mo na posibleng magustuhan ka ni Yuan as more than bestfriend?" Tanong ulit nito.

Umiling lang siya.

" Manhid ka nga," komento ulit ni Maya. Binato niya ito ng isa sa mga unan niya. Mabilis nakailag ang kaibigan at tatawa-tawa sa ginawa niya.

" Kung bakit kasi alam mo na yet hindi mo pa sinabi sa akin," paasik na wika niya sa kaibigan, inirapan pa niya ito. Ngumisi lang ulit si Maya sa kanya.

" Because I don't have the right to tell you, malay ko ba na wala pala talagang plano si Yuan na sabihin sa'yo ang totoo," Umingos pa si Maya sa kanya. Tumagilid naman siya ng higa.

" Hindi ko rin naman kasi naisip ni sa panaginip na maging boyfriend si Yuan. He's too perfect for me," honest na wika niya. Ang lakas naman ng tawa ni Maya sa sinabi niya.

" Too perfect ka diyan. Normal na tao lang din si Yuan. Iyon lang nasobrahan ng torpe pagdating sa'yo. Teka ano pala'ng sabi ni Philip?" Maintrigang tanong ulit ni Maya.

" Nagkausap na raw sila ni Yuan and everything was settled, ganun lang," kaswal na sagot niya. Pinanlakihan siya ng mga mata ni Maya.

" Ganun lang? Wow! Akala ko pa naman may konting action sa drama mo sa Beijing ni wala naman pala, hay naku, hay naku talaga," kunwari'y may panghihinayang pa na komento ni Maya.

" Ano'ng gusto mo maging mala-soap opera ang love story namin? Pero natakot talaga ako promise. Ang dami ko'ng what if's dahil sa incident na iyon ang I'm really thankful na naayos din sa mabuting pag-uusap," wika niya rito.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now