Chapter 2: When the Beast Meets His Innocent Beauty

790 16 11
                                    

Three years ago ay nag-decide ang papa niya na magretiro sa pagiging President at CEO,dahil 60 years old na ito,kahit malusog pa at malakas ay hindi ito nagpapigil sa ginawang pagreretiro dahil ang sabi nga nito ay gusto naman niya'ng maranasan na magpahinga at mamasyal sa buong mundo kasama ang mama niya,si Mrs.Fei Kim-Banes. Nagkaroon noon ng botohan para sa nabakanteng position ng papa niya pero dahil siya ang kasalukuyang COO at Vice-President for Sales and Marketing nagkaroon siya ng mataas na boto mula sa mga board members at shareholders kaya sa kasalukuyan sa edad niya na 28 ay siya na ang President at CEO ng kumpanya, ang Banes-Waygard International Developing and Construction Corporation.

Halos katatapos lang ng Quarterly Financial Meeting niya with his board members and shareholders ng kumpanya.Sikat ang kumpanya nila hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibang panig pa ng mundo lalo na sa America kung saan nag-start ang business nila. Ang papa niya na si Simon Banes ang unang President and CEO ng kumpanya for 40 years. Kasosyo ng papa niya ang best friend nito na si Thomas Waygard,na kung tawagin niya ay Uncle Tom. Kapwa graduate ang mga ito ng BS Civil Engineering at MA in Business Marketing sa Harvard University; dahil sa mga kakilala nila na maiimpluwensya at mayayamang tao sa America ay napalago nila ang kumpanya.

Nasa loob siya noon ng office niya ng biglang tumunog ang extension phone na naka-connect naman sa desk ng secretary niya na si Loisa Sanchez.

"What's the problem, Miss Sanchez?" Pormal na tanong niya sa secretary na nasa kabilang linya.

"Hi Sir Philip,Miss Chloe is waiting for your return call Sir, she's in the line 1 Sir," medyo kinakabahan na wika ng secretary niya.Napabuntong-hininga lang siya.

Ang binanggit nito ay walang iba kundi si Chloe Smith,current girlfriend niya. They started their relationship five years ago, they met sa isang house party sa Manhattan. They were met in an unexpected event and since then they became inseparable. But just the same with other relationship what they have is not perfect.

Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Okay I'll answer it,Thanks,"maikling wika niya at nang magpaalam na ang secretary niya ay isang maikling beep lang at ang sumunod naman na niya'ng kausap ay si Chloe Smith.

"What took you so long,Philip! I've been waiting for you for about 20 minutes, oh by the way I called you last night and yet I didn't received any ring back.Iniiwasan mo ba talaga ako ha,Philip?!" Ang galit na bungad agad sa kanya ni Chloe.

"Oh c'mon Chloe,you know how busy I am, katatapos lang ng board meeting ni hindi pa ako napapahinga,don't start this petty drama of yours,you know how much I hate it," iritableng wika niya rito.

"So ako pa ngayon ang may problema?Ako na nga ito'ng nagrereach out sa'yo?Puro ako na lang ba ang uunawa sa'yo Philip,"medyo gumaralgal na ang boses nito.Wala sa loob na napahawak siya sa sentido ng ulo niya,mas masakit pa talaga sa ulo ang intindihin ang mood swing ng girlfriend niya kaysa sa statistics and flow ng stock markets ng company nila.

"If you want to break up with me,fine,pero sana lang sa maayos na paraan,not in this way na nagmumukha ako'ng tanga," at narinig na nga niya na humihikbi ang girlfriend niya sa kabilang-linya.

" Iyon ba talaga ang gusto mo?It will be fine with me," sarcastic na sagot naman niya,biglang natahimik naman ang nasa kabilang linya.

"I hate you Philip Banes!"Nanggigil na sagot naman ni Chloe sabay hang up ng phone.

Pagkababa naman niya ng phone ay may narinig siya na mga katok sa pinto ng office niya, at ang bisita niya ay walang iba iyon ay ang bestfriend niya na si Timothy Waygard, ang nag-iisang anak ni Uncle Thomas.

"Hi,bro! Wazzup, bakit parang stress na stress ka dyan ?" Nagtatakang tanong nito na hindi na nag-abalang magpaalam at umupo na sa upuang malapit sa swivel chair niya.Buntong-hininga lang ang isinagot niya.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now