A day after Laura and Philip's 1st Monthsary ...
" Ashoo," Biglang bahing ni Philip. Siguro may nakaalala sa kanya. Baka naman ang nobya niya. Sa naisip ay bigla siyang napangiti. Sabado noon at naisipan niya na mag-leave sa work since halos madaling-araw na rin noong umuwi siya galing sa condo nila Laura. Kagabi ay nag-celebrate sila ng kanilang first monthsary.
Naalala niya bigla ang regalong bigay ni Laura. Isang "scrapbook" na naglalaman ng halos lahat ng memorabilia nila simula noong unang araw na magkakilala sila'ng dalawa. Ang pinakapaborito niya roon ay ang pinatuyong petals ng red roses, iyon ang unang bulaklak na ibinigay niya kay Laura noong unang beses na nagkita sila sa plaza malapit sa Cathedral ng Vigan.
Hindi niya kasi lubos- maisip na nagawa pa palang itago iyon ng dalaga at ngayon nga ay isinama pa iyon ng babae sa customized scrapbook na regalo nito sa kanya. Tumunog ang elevator, palatandaan na narating na niya ang floor kung saan matatagpuan ang unit nila Laura at Maya. Excited siya na lumakad palabas ng elevator at buong tikas na lumakad papunta sa pinto ng unit nila Laura. Nag-doorbell siya at wala pang isang minuto ay may nagbukas na ng pinto, ngumiti siya ng buong tamis sa pag-asang ang nobya ang magbubukas ng pinto pero biglang nag-alanganin ang ngiti niya dahil ang nagbukas ng pinto ay walang iba kundi si Maya.
" Hi, Philip, you're here! Teka alam ba ni Laura na darating ka?" Gulat at patakang tanong ni Maya. Marahan siyang umiling.
" I am about to surprise her but wait don't tell me she's not here, Did she go outside?" patakang tanong niya rin. Nagkibit-balikat muna si Maya bago tumango.
" Oo eh, tumawag kasi ang mama niya kanina," kaswal na sagot ni Maya.
Napakunot-noo siya.
" Bakit daw? Saka 'di ba nasa Beijing na nakatira ang mama ni Maya?" Sunod-sunod na tanong niya rito. Sumenyas naman si Maya na pumasok muna siya sa loob ng unit at malalaki ang hakbang na pumasok nga siya sa loob. Huminto siya sa gitna ng sala.
" Dumating ang mama niya kaninang tanghali, pinapunta siya agad sa mansion ng mga Yee. Importante raw pero hindi sinabi kung bakit," wika ni Maya sa seryosong tinig.
" Ganun ba? Pero bakit hindi niya ako tinawagan?" Tanong niya.
" Hindi na siguro naisip ni Laura na tawagan ka dahil malamang nataranta na 'yun, mabuti pa puntahan na lamang natin siya sa mansion," suhestyon naman ni Maya. Agad naman siyang tumango at ora mismo umalis sila ng condo.
Sa loob ng kotse ni Philip.
" Maya, can I ask you a few questions about Laura?" Biglang tanong niya sa babaeng katabi niya ngayon sa kotse. Tumango lang ito.
" Why is it Frias and not Yee instead?" Seryosong tanong niya rito. Bumuntong-hininga naman si Maya bago sumagot. Tumingin ito sa labas ng bintana bago ito nagsalita.
" Choice iyon ni Laura. Hindi naman daw mahalaga sa kanya kung anuman ang maging apleyido niya atleast alam naman niya sa sarili niya kung sino talaga siya," malungkot na sagot ni Maya.
" Pero ang kwento ni Laura, ikinasal na ang parents niya? So she has all the rights para kilalaning Yee," Iritableng wika niya.
" Oo nga, pero sa puso't- isip ni Laura ay nakatatak na ang katotohanang bago siya naging lehitimong Yee ay naging anak muna siya sa pagkakasala. Isa pang dahilan ay hindi naman binibigyan ng halaga ng angkan ng mga Yee ang naging kasal ng mga magulang ni Laura, so what for pa kung magiging Yee nga siya pero walang pamilya naman na kumikilala sa karapatan niya," may bahid ng inis na wika ni Maya. Napatiim-bagang naman siya sa nalaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/17178438-288-k115764.jpg)