Sa may baybayin ng dagat sa Ilocos ay may isang lalaki ang nakatayo sa buhanginan.
Si Philip.
Malungkot ang mga mata nito na nakatanaw sa papalubog na araw sa gawing kanluran ng dagat.Malapit na ang takip-silim pero wala yatang planong umalis doon ang lalaki.
Laura... Bulong ng tagong bahagi ng isip ni Philip.
"Why do you have to leave me Laura?"
Mahinang bulong niya sa sarili.Puno ng pangungulila ang kanyang tinig.
Parang kailan lang ay kasa-kasama niya ang unang babaeng inibig niya...
Gaano na nga ba katagal?
Simula ng mawala siya sa piling ko?
Ahhh...sampung buwan na!
At simula noon ni anino ng babae ay hindi na niya nakita pa...
Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya napansin ang paglapit sa kanya ni Chloe.
"Like what I have thought,dito kita makikita," wika ni Chloe.
Bahagya niya'ng nilingon ang babae na nagtataglay ng pambihirang ganda.
"Why?Do you need anything from me,Chloe?"
Ikaw...Ikaw ang kailangan ko Philip...
Lihim na hiling ng puso ni Chloe."Philip,hanggang kailan mo pahihirapan ang sarili mo?Kailan mo palalayain ang sarili mo mula sa alaala ng kahapon ninyo ni Laura?Hindi pa ba sapat na dahilan ang iniwan ka niya ng walang paalam?"
Umiling si Philip.
"No I can't forget her,not until I find her, at sabihin niya sa akin kung bakit niya ako iniwan,"
He gritted his teeth.
Bakit nga ba Laura?Bakit?
Hindi matanggap na bulong ng naguguluhan niyang damdamin.Napukaw ang isip niya ng malalim na buntong-hininga ni Chloe.
"I better go Philip,don't forget that we are here for a business meeting.Dinner will start at 7 p.m.,see you later,"
Paalam ni Chloe sa kanya.
Nang makalayo na ang babae ay nagpasya siya na maglakad-lakad muna sa tabing-dagat.
Nakakita siya ng makinis na bato at ipinukol iyon sa tubig.
Ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Laura?Bakit sa isang iglap ay naglaho ang magandang relasyon nila?
![](https://img.wattpad.com/cover/17178438-288-k115764.jpg)