Chapter 36.2 A Chase to the Abyss

267 3 0
                                    

Chapter 36:

NAIA Terminal 1, Arrival Area.

"O ano nakita nyo na ba si Laura?" Tinig iyon ni Priscilla na halatang naiinip na. May isang oras na simula ng dumating sila sa airport para salubungin si Laura.

" Ikaw kaya ang tumayo at tumingin dito tutal ikaw naman ang pinakamatangkad sa ating apat, for sure makikita mo agad si Laura," iritableng wika ni Franz sa kaibigan.

Tumayo naman si Priscilla sa kinauupuan at lumapit sa tabi ni Franz. Kasama nitong nakatayo malapit sa barracks ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Maya at Claud.

"Hay naku, I'm sure sa luggage area nagtagal 'yun," si Claud na mukhang naiinip na rin sa paghihintay.

"Ano ba ang last text niya sa'yo ha Maya?" baling ni Claud sa katabi nitong si Maya.

"Last text niya 'yun malapit na raw mag-landing 'yun plane sa airport, siguro naman mga 30 minutes pa andyan na 'yun," sagot ni Maya na saglit lang bumaling kay Claud at itinuon muli ang pansin sa mga taong naglalabasan sa exit gate ng Arrival Area.

Ilang minuto pa.

"Hayan! Tumatawag na si Laura, Hello?Oh asan ka?Ano?White shirt?Eh andami kayang naka-wihte shirt dito," Sunod-sunod na wika ni Maya sa nasa kabilang linya.

" I think nakita ko na siya, there oh!" Itinuro pa ni Priscilla ang kinatatayuan ni Laura.

Sabay-sabay na kumaway ang apat sa bagong dating nila na kaibigan.

Nagmamadali naman lumapit dito si Laura na dala ang isang malaking maleta.

"How are you girls, I missed you so much!Mabuti na lamang at nasundo ninyo akong apat," masayang salubong ni Laura sa mga kaibigan. Isa-isa niyang niyakap ang mga ito.

"Siyempre naman,we made it possible na kumpleto kami sa pagsundo sa'yo,kasi miss na miss ka na namin Laura," nasisiyahang wika ni Maya rito na yumakap ulit kay Laura.

" Naku mamaya na ang kamustahan halika na at umalis na tayo rito medyo nahihilo na ako sa dami ng tao sa paligid," si Claud iyon, sabay-sabay sila'ng lima na naglakad patungong parking area kung saan nakaparada ang asul na kotse ni Claudia.

First week pa lang ng March pero ramdam na agad ang summer. Medyo mainit na ang paligid to think na alas-diyes pa lang naman ng umaga.

Ilang buwan na rin simula ng umalis siya ng Pilipinas at ngayon bumalik siya para lamang sa reunion ng barkada. Pero sa puso niya ay may isang tao pa siya na pinananabikang makita...

Kamusta na kaya siya?I'm sure hindi pa niya ako napapatawad. Ahhh... I deserve it.

That was happened ten months ago...

Hindi niya alam paano nangyari pero ... ang sigurado lang siya hanggang sa huling sandali ay naduwag siya.

Ahhh... naiisip ko na naman siya, bakit ba hindi ko magawang alisin sa isip ko ang mga alaala namin dalawa?

She was the one to blame kung bakit hindi nag-prosper ang relationship nila, to think that Philip still chased her the day before she arrives here in Beijing.

" Philip, please try to understand, ayaw ni Laura makipagkita sa'yo," si Maya ang laging humaharap noon sa tuwing pupuntahan siya ni Philip sa opisina at sa condo nila.

" No Maya,ako ang dapat mong intindihin, kailangan ko si Laura, mahal ko siya!"

Nasa silid si Laura at kahit nakasarado ang pinto ng kwarto nila ni Maya ay dinig na dinig niya ang argumento ni Philip at ni Maya. Nanginginig siya dahil nakararamdam siya ng labis na tensyon sa loob ng pagkatao niya. Niyakap niya ang sarili.

" Hindi ako makapapayag na mawala siya sa akin ng basta-basta, mahal ko siya, mahal na mahal," nasa tinig ni Philip ang labis na sakit at hirap na nararamdaman nito nang dahil sa break up nila.

" Philip, please listen, alam ko'ng huli na para sabihin ko pa ito pero I think hindi pa talaga handa si Laura sa relasyon ninyo. Mahal ka niya oo at saksi kami na mga kaibigan niya sa pagmamahalan ninyong dalawa pero hindi ba masyadong naging mabilis ang lahat?"

"Is there a boundary for love?Is there a certain time para masabi na mahal mo ang isang tao?Even I can't believe na mamahalin ko si Laura ng ganun kabilis, I chased her like a fool this summer. And I'm not a kid para sabihin na infatuation lang ang feelings ko sa kanya, I love her as simple as that," depensa naman ni Philip.

Saglit na katahimikan.

" And I believe you, Philip. But this season is not the right time for both of you, nakakalungkot man isipin pero mahal ka man ng kaibigan ko, yet there is something she forgot to learn and that is to love herself,"

" We can't do anything about her fears, about her worries and about her insecurities, dahil siya lang ang pwedeng makapag-overcome ng lahat ng iyon. Ang magagawa lang natin ay maghintay,"

" Pero hanggang kailan ako maghihintay? I am a very impatient man and I can't live a single day without even seeing her, now tell me, paano ako maghihintay kung ngayon pa lang sobra na ako'ng nasasaktan,"

Saglit na katahimikan.

" I better go, but please Maya rely my message to her, I promise this will be the last time na pupuntahan ko siya. Lalaki pa rin ako na may pride, mahal ko siya but this is too much for me, hindi ako ang sumuko sa relasyon namin kundi siya,"

Iyon ang mga huling salita na binitawan ni Philip noon bago ito tuluyang umalis sa condo nila ni Maya.

He's right, ako nga ang unang sumuko sa relasyon namin dalawa. Natalo ako ng mga insecurities at worries ko sa buhay, this is why I don't deserve him, dahil sa huli wala akong mabuting naidulot sa kanya maliban lamang sa bigyan siya ng matinding kabiguan.

" Let me guess, naiisip mo na naman ang ex mo no?!" si Priscilla iyon na nakaupo sa gawing kanan niya.

" Tumigil ka nga dyan Priscilla, pati ba naman iniisip ni Laura eh pinapakialaman mo pa," saway dito ni Maya na nasa kaliwang bahagi naman niya nakaupo.

"It's okay Maya, tama naman si Priscilla, iniisip ko pa rin si Philip, I can't help it, kamusta na kaya siya?"

Buntong-hininga lang ang isinagot sa kanya ni Maya.

" I guess this is not the right time to say this but I'm sorry Laura you better forget that guy, the soonest the better," si Priscilla ulit na bahagyang nakalarawan ang lungkot sa mukha ng kaibigan.

" W-what do you mean by that?" Nagtatakang tanong niya rito.

Katahimikan ang naging sagot sa kanya ng lahat.

" Ang ibig sabihin ni Priscilla, if ever bumalik ka para kay Philip, it's too late, Laura, dahil ikakasal na siya," Tinig iyon ni Claudia, ito ang nagmamaneho at hindi niya makita ang reaksyon ng kaibigan pero siya nang mga oras na iyon ay blangko ang isip niya.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now