Beastly Versus Manly
I have a new dream, it's to be one a better man
Because your eyes that look at me make me run once again more than anything else
So lucky, my love
So lucky to have you
So lucky to be your love, I am. - Lucky EXO (Engsub)
Sunday,8:45 A.M., NAIA Terminal 2.
Kalalabas lamang niya sa pinto ng eroplano,napahugot siya ng malalim na hininga, kahit medyo polluted ang hangin na naamoy niya he doesn't care dahil finally nakabalik na ulit siya ng Manila. Napangiti siya sa isiping makikita na naman niya ang babaeng pinakamamahal, si Laura.
Tatlong araw lamang siya nawala pero miss na miss na niya ang girlfriend. Plano pa nga niya sorpresahin ang nobya dahil hindi niya sinabi ang oras ng uwi niya rito. Nangingiti siya isipin pa lamang niya ang gulat at tuwang lalarawan sa maamong mukha nito.
Pagdating niya sa Arrival Area ay mukhang siya pa ata ang masosorpresa. Dahil pagtingin niya sa maraming bench kung saan naghihintay at nakaupo ang mga taong susundo sa mga pasaherong nakababa na ng eroplano ay naghihintay ang isang taong kani-kanina lang ay laman ng isip niya.
Si Laura!
Napakunot-noo naman siya ng mapagtanto na hindi lamang nag-iisa ang nobya, may kasama ito'ng ...lalaki! Napataas ang isang kilay niya dahil hindi niya kilala ang lalaking kausap,kangitian at kakulitan ni Laura. At hindi niya gusto ang eksena na 'yun, to think na hindi lang basta ordinaryong lalaki ang kasama nito. Aaminin niya ... mukhang may hitsura ang lalaki. Hindi nga lamang niya mabistahan ng mabuti kasi naka-shades din ito gaya niya.
Ilang metro na lamang ang layo niya sa dalawa ay mukhang hindi pa rin siya napapansin ng mga ito. Siyempre ginawa niya 'yung epic na ginagawa para magpapansin.
"Ehem!Ehem!" Medyo malakas na pag-ubo niya ng nasa halos tapat na siya ng dalawa. Unang lumingon sa kanya si Laura. Namilog agad ang mga mata nito ng makita siya.
"Philip!" masayang wika nito at sinalubong siya ng yakap. Agad naman din siya'ng tumugon ng mas mahigpit na yakap dito.
"I missed you sweetie," Masayang bulong niya sa tainga nito at marahang ginawaran ito ng halik sa isang pisngi.
"Did you missed me?" Excited na tanong niya sa nobya. Sunod-sunod na tango lamang ang naging sagot nito dahil sa tuwa ata ng nobya niya ay naiyak na naman ito.
"Pagpasensyahan mo na,Pre,medyo iyakin talaga 'yang bestfriend ko," singit naman sa moment nila ng lalaking kanina pa kasama ng nobya niya.
Did I heard it right? Bestfriend ito ni Laura?Bakit wala 'atang nababanggit sa kanya ang nobya?
Nag-alis naman ng shades ang lalaki. Napakunot-noo na naman siya dahil tama pala talaga ang hinala niya, hindi lamang ito basta may hitsura, guwapo ito at chinito! Hindi lamang basta gwapo masasabi niya'ng charming din ito at kagaya ng nobya niya mala-anghel din ang mukha nito, iyong tipong nakakasilaw ang mukha nito ng dahil sa kagwapuhan.
Oh my!Sorry Philip pero me equally gorgeous at charming pa pala na lalaki na maitatapat sa'yo! Bulong ng mapang-asar na bahagi ng kanyang isipan.
![](https://img.wattpad.com/cover/17178438-288-k115764.jpg)