Love at first sight is always spoken in the past tense. The scene is perfectly adapted to this temporal phenomenon: distinct, abrupt, framed, it is already a memory (the nature of a photograph is not to represent but to memorialize)... this scene has all the magnificence of an accident: I cannot get over having had this good fortune: to meet what matches my desire. - Roland Barthes, A Lover's Discourse: Fragments
" Seriously?! Pinagselosan ni Philip si Yuan? " Gulat na wika ni Maya sabay tawa ng nakakaloko. Nagkukwento kasi siya tungkol sa naging argumento nila ni Philip kagabi. Napailing-iling lang siya sa naging inisyal na reaksyon ng bestfriend niya.
Mabuti na lamang talaga at sila lang dalawa ni Maya ang nasa loob ng opisina, bandang 11:45 A.M. pa lang pero since wala naman nang masyadong ginagawa sa office nila kaya nagpaalam ang iba nilang ka-team na mag-early lunch, habang sila naman ni Maya ay katatapos lang sa pagrerevised na isang project proposal nila at naghihintay na lang din sila mag-alas dose para sa oras naman ng lunch break nila.
" Pero alam mo Laura, hindi mo rin masisisi si Philip kung magselos siya sa closeness nyo ni Yuan. Ibang klase rin naman kasi ang bestfriend natin kung tratuhin tayo parang mga prinsesa. Saka alam mo 'yun pasalamat ka na rin sa selos mode ni Philip meaning lang nun mahal ka talaga niya. Alam mo 'yun, natatakot lang siguro siya na makita'ng mas masaya ka sa piling ng iba dahil baka maisipan mo pang ipagpalit siya," seryosong litanya ni Maya na lumapit pa talaga sa desk niya at umupo sa ibabaw nun.
" Based on experience ba 'yan Maya?" Nakangising biro niya sa kaibigan. Pinandilatan naman siya nito ng mga mata, natawa naman siya at agad na nag-peace sign sa kaibigan. " Don't worry Maya, naiintindihan ko naman si Philip sa puntong iyon at hinding-hindi ako magsasawa na unawain siya sa tuwing magseselos siya sa iba," nakangiting turan niya sa kaibigan.
Tinitigan naman siya nito ng seryoso.
" Talaga lang ha? Baka naman dumating 'yung point Laura na mas selosa ka pa pala kaysa sa boyfriend mo?" Taas ang isang kilay na komento ni Maya. Nagkibit-balikat lamang siya.
" Siguro. Posible. Pero ewan ko, so far naman kasi wala ako'ng nakikitang rason para pagselosan ko si Philip. He always assuring me na ako lang ang mahal niya, " nangingiting wika niya rito. At sa kanyang diwa ay biglang nag-appear ang nakangiting mukha ng nobyo at kumindat pa talaga iyon sa kanya kaya bigla siya'ng nag-blush. Natauhan na lamang siya ng maramdaman na may bumatok pala sa kanya.
" Aray naman. Makabatok ka naman wagas," reklamo niya kay Maya. Natawa lang ito.
" Eh, kasi po tanghaling tapat nagde-daydreaming ka na naman dyan. Oh siya kayo na talaga ni Philip ang nagmamahalan. Pero maiba tayo, hindi ka ba nagtataka kay Yuan?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Maya sa kanya.
Umiling lang siya.
" Bakit ano bang kataka-taka kay Yuan, mukha naman siyang normal ah," pilosopong sagot niya. Babatukan pa sana siya ni Maya pero nakaiwas na siya.
" Oo nga normal siya pero alam mo 'yun ang tagal na natin siyang kilala pero never pa siya nagpakilala ng girlfriend niya sa atin, " nakalabing sagot ni Maya na napahawak pa sa baba nito na tila ba kay lalim ng iniisip.
Napabuntong-hininga siya.
" Sabagay, tama ka. Pero kilala naman natin kasing pihikan si Yuan. Imposible naming bading siya kasi oras na marinig niya na pinagsalitaan natin siya ng bading I'm sure mabubuhay ang dugong karetista ng bestfriend natin. Hehe. At kapag nangyari 'yun Maya ikaw lang talaga ang ihaharap ko sa kanya," birong totoo niya sa kaibigan. Ngumisi lang naman si Maya sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17178438-288-k115764.jpg)