Hindi man lang nagtagal ng fifteen minutes ang halo-halo sa harapan nila ni Maya dahil pagkalapag na pagkalapag ng service crew sa mga order nila ay excited na sinimulan na nila ni Maya ang pagkain sa paborito nila'ng dessert kapag summer, ang halo-halo.
" So, saan na tayo niyan after dito? " Agad na tanong ni Maya sa kanya. Nakangiti na ito at walang dudang naibsan ng tamis at lamig ng halo-halo ang init ng ulo nito kanina. Saglit siya'ng nag-isip sabay iling.
" Sorry wala ako'ng maisip," nangingiti na wika niya sa kaibigan. Napatapik naman sa sariling noo nito si Maya. Nang biglang may nag-ring na cellphone ... kay Maya pala. Inilabas nito ang cellphone mula sa bulsa ng suot nito'ng pants.
" Look who's calling, it's Claud," excited na wika ni Maya sa kanya at itinapat pa talaga sa mukha niya ang hawak ng cellphone nito.
" At bakit tatawag si Claud ng alanganing araw?" Nagtatakang taong niya kay Maya, nagkibit-balikat lamang ito at sinimulan ng pindutin ang receive call button ng cellphone nito.
" Hello, Claudia my dear," Malambing na sagot nito sa tumawag. Bahagyang inilayo ni Maya ang cellphone sa tainga nito at sabay napangisi. Siya naman ay napahagikgik dahil walang duda na sinigawan ito ni Claud sa kabilang linya, hate na hate kasi nito ang tawagin sa buong pangalan nito na Claudia.
" O, siya,sorry na, so bakit ka nga napatawag?" Simulang kausap ulit ni Maya sa kabilang linya. " I'm sorry my dear but we're not in the office right now, if you want we can meet you here at Razon's," wika ulit ni Maya. " Sure. We'll wait you for twenty minutes,bye," end of conversation with Claudia.
" Bakit siya tumawag?" Curious na tanong niya kay Maya.
" May proposal daw siya sa atin, I'm not really sure kung ano 'yun, she'll discuss it later," maikling sagot ni Maya.
Hindi nga nagtagal at dumating sa Razon's si Claudia.
" Hi girls!" Masayang bati nito sa kanila,sabay beso-beso at walang babala na umupo sa isang bakanteng silya sa tabi ni Maya.
" So, what kind of proposal are you trying to bid with us?" Kaswal na tanong agad ni Maya.
" Wait, don't be too excited, pa-order muna ng isang halo-halo," nakangiting wika ni Claud. Natapik lang ni Maya ang noo, tumayo ito at umorder ng halo-halo sa may counter. Naiwan sila ni Claud sa may table nila.
" How's your stay in Beijing,Laura?I've heard that your father was sick, is he okay now?" Concerned na tanong sa kanya ni Claud. Tipid na ngumiti siya kay Claud.
" Yes, he's better now compare to the last time that I saw him in the hospital," maagap na sagot niya rito. Napatango-tango si Claud.
" How about your relationship with Philip?" Usisa nito.
" We're okay," Tipid na sagot niya. Nangalumbaba ito sa harap niya.
" So, it means walang break up na nangyari after what happened between you and Yuan?" Maintrigang tanong nito. Napailing siya at nangiti rito, kahit kailan talaga walang maitatagong lihim sa mga kaibigan niya.
" Yuan and I are still best of friends," garantiya niya kay Claud.
" I pity him, he's been in love with you for so long and yet he still end up as your best friend," seryosong komento ni Claud.
" Kahit pala ikaw alam mo?" Nagulat na tanong niya rito. Napatango lang ito.
" But of course! I can see through his eyes how much he really loves you," may lungkot sa tinig na wika nito. Napabuntong-hininga siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17178438-288-k115764.jpg)