Three days ago nagsabi si Philip na pupunta raw sila sa isang despedida party ng kaibigan nito na babalik na ng France. Sa umpisa hesitant siya sumama pero ng pinakiusapan na siya nito ng ilang beses ay dala na rin ng hiya kaya napilitan na siya'ng pumayag. Baka mamaya isipin pa ni Philip na paimportante siya.
Pinagmasdan niya ang sarili sa full-sized na salamin sa loob ng kwarto niya. Nakasuot siya ng color baby pink na na spaghetti dress na may mumunting embroidery na mga bulaklak na color silver.HIndi naman ganun sa shimmer ang design nito as in simple lang,kasing simple lang din ng may suot. Naka-Waterfall braid lamang ang hairstyle ng buhok niya at nilagyan ito ng color pink na floral hairpin. Light lang din ang make up niya courtesy of Priscilla.
Speaking of Priscilla nasa loob nga pala ng room niya ang kaibigan at kasalukuyan naka-indian seat sa ibabaw ng kama niya.
"Perfect!Ano'ng say mo sa power ng hands ko?Galing ko 'di ba?" Self-praised ng kaibigan niya sabay kindat pa sa kanya.Nangiti lamang siya. Sa totoo lang satisfied siya sa ayos niya ngayon, she looks so young and refreshing.Simple yet beautiful.
"Haizt...Laura,Laura.Ikaw na talaga ang may pinaka-baby faced na mukha sa ating limang magbabarkada.Kainggit talaga ng genes mo," nakalabi at sabay buntong-hininga ng kaibigan. Humarap naman siya rito.
"Ikaw naman ang pinakamaganda.Remember 2nd Most Beautiful Model in Asia,I'm proud to be your friend,"Nakangiting puri niya rito. Tumawa lang ito pero saglit lang at naglungkot-lungkutan ang mukha.
"Most beautiful nga wala nama'ng love life ng gaya sa'yo, nonsense din," kunwari ay malungkot na wika nito. Lumapit naman siya rito at mahinang tinapik ng marahan ang kaliwang balikat ng kaibigan.
"Hayaan mo darating din ang Mr.Right mo," kumindat pa siya rito, nangiti naman ang kaibigan.
"Whoa!Ikaw ba talaga 'yan Laura,totoo ba na pinapayuhan mo ako ng tungkol sa love life?" Tila hindi makapaniwalang wika ni Priscilla sabay panlalaki pa ng mga mata sa kanya. Nahampas naman niya ito sa balikat.
"Sira ka talaga, bakit kelan ba ako hindi naging supportive sa love life mo," sabay tawa. Lumabi lang ulit si Priscilla.
"At kelan naman po ako nagka-love life,Aber?!" balik tanong nito.
"Ai,teka, hindi pa ba love life tawag dun sa pagkakameet mo kay Knight-in-Shining Armour?"Kunwari ay pataka pa niya'ng wika. Kumunot-noo naman ito.
"Knight-in-Shining-Armour?Sino 'yun?" MAy pagka-histerikal na tanong nito.
"Iyong si Ronan," sabay ngiti sa kaibigan.Agad naman napasimangot ito. At natawa siya sa reaksyon nito.
"Sis, ang dami pang lalaki dyan bakit puro kay Ronan mo ako tinutukso eh sana nga huli na nami'ng pagkikita 'yung sa Pampanga," iritableng wika nito.
"You mean nagkikita na kayo dati pa?!Ui, parang di ko ata alam 'yan?" Naiintrigang umupo siya sa tabi nito.
"Haist...sige na nga para matahimik na iyang makulit mo'ng utak,oo dati ko pa siya'ng kilala," walang kabuhay-buhay na simula nito ng kwento.
"Paano?Saan?" curious na tanong niya.
"Sa isang bar kung saan pinaliguan ko siya ng wine," sagot nito.
"HA?!Bakit ano ba'ng ginawa niya sa'yo?"Pangungulit pa rin niya rito.
"Basta ang alam ko bastos siya!Mayabang! at isang malaking GGSS!" Naiinis pa rin na wika nito at napa-grrr pa sa labis na inis.
"Ha? ANo'ng GGSS?" Walang malay na tanong niya rito. Napatirik naman ang mga mata ni Priscilla dahil sa tanong niya.
"Hay,sis, GGSS meaning Gwapong-Gwapo Sa Sarili niya!Asar lang di ba?" At kitang-kita niya ang pagkalukot ng mukha nito ng dahil sa inis.
![](https://img.wattpad.com/cover/17178438-288-k115764.jpg)