Nasa dalampasigan siya at nakaharap na naman siya sa dagat, minamasdan niya ang paglubog ng haring araw sa kanlurang bahagi ng dagat. Hanggang ngayon kahit masalimuot ang mga alaalang naiwan sa kanya ng nakaraang tag-araw ay hindi pa rin niya maitatatwa na ang ganitong klaseng tanawin ang pinakapinanabikan niya, malungkot man tanawin ang paglubog ng araw nagdudulot naman iyon ng kakaibang init sa kanyang dibdib na wari ba'y sinasabi nito na saglit lamang ang pagkalat ng dilim at nais na sana panabikan niyang muli ang paparating nito'ng pagsikat.
Pero hindi pa rin niya kaya... ang magpaalam...
Tinalikuran na niya ang tanawing kanina pa niya pinagmamasdan, plano na niyang humakbang pabalik sa hotel kung saan naghihintay sa kanya si Chloe pero natigilan siya dahil nakatayo sa hindi kalayuan ang babaeng simula pa noong nakilala niya ay hindi na nawala sa puso't-isip niya.
Para siya'ng napako sa kinatatayuan, alanganin naman lumapit sa kanya si Laura.
May ilang segundo na ang mga mata lamang nila ang nag-uusap. Nakikita niya ang pananabik sa mga mata ni Laura at malamang na ganoon din ang nakalarawan ngayon sa kanyang mga mata.
Nangungulila siya.
Nangungulila siya kay Laura!
"Philip ..." mahinang tawag nito sa pangalan niya.
Napalunok siya pero pilit niyang pinipigilan ang pagdaloy ng emosyon sa kanyang puso dahil baka hindi niya makaya...
" You're not supposed to be here Laura," sa wakas ay nawika niya.
" P-Philip, let me explain," Nagtangkang humakbang palapit sa kanya ang babae pero sumenyas siya rito na huwag.
" Tinanggap ko na ang gusto mo mangyari para sa ating dalawa, bakit ngayon nagbabalik ka pa!?" May halong poot at paninibugho sa tinig niya.
" I'm sorry," nanginginig ang tinig nito.
" Para saan ang sorry mo Laura? Sorry dahil iniwan mo ako o sorry dahil pinaasa mo ako na may magandang patutunguhan ang relasyon natin dalawa," he clenched his fist.
" Minsan mo lang ako sinaktan Laura, pero sapat na iyon para mamatay ang kalahati ng pagkatao ko. Ngayon na nagsisimula ulit akong mabuhay at iayos ang lahat, bakit kailangan mo pang bumalik sa buhay ko?" Sumbat niya sa babae.
Nagyuko ito ng ulo.
" Hindi ko hihilingin na patawarin mo ako Philip dahil alam ko na walang kapatawaran ang sakit na idinulot ko sa'yo,"
" Nagkamali ako na iniwan kita, nagkamali ako na kahit alam ko na mahal mo ako ay hindi kita hinayaang papasukin ng buo sa sa buhay ko, nagself-pity ako knowing na marami na pala akong nasasaktan ng dahil sa mga insecurities ko. Kaya kung sasabihin mo sa akin na nagkamali ka dahil minahal mo ako, tatanggapin ko Philip. Huli man na para sabihin ko ito pero ikaw pa rin ang nasa puso ko, mahal kita Philip, higit pa sa sarili ko," luhaang wika ni Laura.
Natigilan siya sa mga narinig.
" Hindi mo ba naisip kung bakit ni minsan ay hindi kita dinalaw sa ospital?" Kapagka'y wika niya.
Kagat-labing umiling si Laura.
Dahan-dahan siyang lumakad palapit dito.
" Hindi dahil sa ayaw na kitang makita..."
" Kundi dahil hindi ko kayang makita ka ..."
" Dahil baka hindi ko na gustuhing mawala ka ..."
" Sa kabila ng lahat ng sakit ..."
" Mahal pa rin kita, Laura!"
Dalawang hakbang na lang at abot-kamay na niya ang babaeng pinakamamahal.
Naitakip ni Laura ang isang kamay sa sariling bibig. Pinipigilan nito ang mapahikbi.
" P-Philip... ano'ng kailangan ko'ng gawin para mapatawad mo ako? Kung mangangako ba ako sa'yo na hindi na ako aalis magiging tayo ba ulit? Naging makasarili ako sa mga desisyon ko noon pero iyon lang ang naisip ko'ng tama," Nagsimula ng humagulgol si Laura.
" Tama?!Ano ang tama sa ginawa mo Laura? Sinaktan mo ako Laura!"
" We almost had a perfect love last summer yet you gave up so easily and you left me,I tried my best to understand you,Laura, but I can't, the pain here...is too much for me to bare," emosyonal na wika ni Philip habang mariing itinuturo ang tapat ng kaliwang dibdib nito.
" Tapos heto ka nagbabalik, kung kailan maayos na muli ang lahat sa buhay ko, kung kailan may isang babae na akong nakatakdang makasama habambuhay? Sa palagay mo ba magiging ganoon kadali lang sa atin ang lahat?!"
Hindi niya napigilan ang sarili na hawakan sa magkabilang-balikat ang dating kasintahan. Tinitigan niya ito'ng mabuti.
" Nang mabundol ka ng kotse, alam mo ba kung ano'ng naramdaman ko?"
Marahang umiling lang ang babae.
Napatiim-bagang siya.
" I was so terrified to lose you again,Laura,"
" But I have to let you go," mahinang bulong ni Philip kay Laura.
Niluwagan niya ang pagkakayakap dito at dalawang kamay na sinapo niya ang maamong mukha nito.
" I am not the right man for you, Laura. I love you but fate is not on our side,,maybe we just met to realized that even how much we loved each other, there are things that we can't change, that forever is not meant for us," halos pabulong lang na wika ng binata.
Ang babae naman ang dumistansiya sa kanya ng ilang hakbang.
Ilang saglit na katahimikan.
" So it means you finally made a choice," mahinang wika niya sa garalgal na tinig.
Tumango lang ang lalaki.
"You hurt me with the truth,Philip," Luhaang wika ng babae.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya.
Nakalarawan sa maamong mukha nito ang hindi maitatagong kalungkutan at kabiguan, pinigilan niya ang sarili na yakapin muli ang babae.
So this is how it should end?! He made a decision that was too painful for both of them. He doesn't want to compromise with Laura, and this time it's him who gave up, he doesn't want to start all over because he was lost since the day that Laura ran away from him. It's Chloe who fixed him back to reality and he wants to give their relationship a chance.
" I... don't know how to say it... but... goodbye," she uttered the last words.
And she turned her back away from him. She walked slowly with despair, in her heart she's hoping that Philip will come after her but she knew that it won't ever happen again.
JnVՈv