Chapter 31: Sibling's Rivalry

403 5 0
                                    

( Isang linggo na lang pala at matatapos na ang summer. Kaybilis naman ng araw at magsisimula naman ang panahon ng tag-ulan.)

A day after ...

Huminto ang kotse ni Philip sa isang port na matatagpuan malapit sa probinsiya ng Batangas kung saan may isang bagong bukas na floating restaurant.

Unang bumaba ng kotse si Philip, pinagbuksan nito ng pinto si Laura at inalalayang makababa roon. He looks so stunning and gorgeous sa suot nito na color gray na amerikana, clean cut ang gupit nito kaya neat tignan ang lalaki, naamoy niya agad ang mamahaling pabango nito na hindi masakit sa ilong, sa halip ay nanaisin mo'ng habulin ang scent nito dahil sa nakakahalinang amoy nito. Agad naman siya'ng umabrisiete sa braso ng kanyang nobyo.

Pagpasok pa lamang nila sa entrance ng restaurant ay agaw-eksena na agad sila ni Philip. Marami ang mga mata na tumutok sa direksyon nila. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkabalisa at marahil naramdaman iyon ni Philip kaya marahan nito'ng tinapik-tapik ang kamay niya na nakahawak pa rin sa braso nito.

" Relax, I'm just here," pabirong bulong ni Philip sa kanya. Nangiti naman siya at bahagyang nabawasan ang tense na naramdaman niya.

Naglakad sila patungong Event Hall ng floating restaurant, marami na rin ang mga tao sa loob, nakasuot ang mga tao roon ng mamahalin at pormal na kasuotan. Bigla tuloy siya'ng napatingin sa suot niya'ng damit. Ang suot niya ngayon ay regalo ni Philip sa kanya.

Isang simpleng strapless na black dress ang suot niya. Nakalugay lang ang buhok niya na hanggang beywang. Isang pares na pearl earrings lang ang accessories niya. Light lang din ang make-up niya pero kagaya pa rin ng dati lumutang pa rin ang taglay niya'ng inosenteng ganda.

Pero kagaya pa rin ng dati ay hindi niya maiwasang ma-intimidate sa ibang mga babaeng naroroon sa party na sigurado siya na kapareho ni Philip ng estado sa buhay, mga babaeng kung tutuusin ay higit ang mga katangian kumpara sa kanya.

" You're beautiful," biglang papuri ni Philip sa kanya. Nag-blush naman siya. Napa-smirk naman ang boyfriend niya dahil sa naging reaksyon niya.

" Hay Laura, hindi ko talaga kailanman pagsasawaan ang pagiging candid and genuine ng personality mo, I love you even more when you're blushing," tahasang pag-amin ng kanyang nobyo.

" Thank you," tipid na sagot niya.

Kinuha naman nito ang isang kamay niya at marahang dinampian ng isang halik ng labi nito ang likod ng kamay niya. Nag-blush lang tuloy ulit siya.

Tumingin siya sa mga mata ng lalaki. Nakangiti ito sa kanya at gumanti rin naman siya ng ngiti rito. Saglit na humilig siya sa balikat nito, at sa isip niya ay lihim siya'ng bumulong, " This man is mine, he's only mine."

Lumapit ang host ng party sa kanila. Isa iyong businessman na kasosyo ni Philip sa ilang mga negosyo nito. Sa isang round table na nakapuwesto sa bandang gitna ng hall sila inaya ng host na maupo.

Una muna siya'ng inalalayan ni Philip na makaupo.

" Care for a drink? " Magalang na wika ng host sa kanila, nakilala na lamang niya ito sa pangalang Eduardo. Matipid siya'ng ngumiti rito. Si Philip naman ang nagsalita.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now