Chapter 1:When a Heart Flutters

942 25 28
                                    

Two days ago pa siya nakapag-impake ng dadalhin para sa one week vacation nila ng mga high school friends niya na sila Maya, Priscilla, Claudia at Franz. Every year bago dumating ang summer ay nagpaplano na sila'ng magkakabarkada kung saan pupunta and this year ang napili nga nila ay Illocos. Tamang-tama naman dahil ang tita ni Franz ay taga-Vigan, Ilocos Sur at doon sila mag-istay na magkakabarkada. They are planning to stay there for two weeks. Excited na siya dahil isa ang Ilocos Region sa mga dream destination na gusto niya'ng mapuntahan sa Pilipinas. Nasa moment na siya ng paged-daydreaming ng biglang tumunog ang cellphone niya na nasa ilalim ng unan niya.

"Hello? Oh Maya ikaw pala,bakit napatawag ka?Oo excited na ko since last week pa.Hehe. Ako pa malelelate?!Naku si Priscilla ang dapat tinawagan mo hindi ako.Hehe.Oo na nagdala na ako ng extra sun block para sa'yo.Ano ba yan dami request.Hehe. Oh siya sige kita na lang tayo tomorrow 6:00 A.M. sa SM MOA McDonald's. Yup, matutulog na kaya ako ng tumawag ka.Okay,sige,bye," at maya-maya pa ay nagbalik sa katahimikan ang paligid niya.

Napabuntong-hininga na lamang siya sabay tumagilid ng higa,napansin niya ang oras sa alarm clock na nasa side table ng kama niya,10:15 p.m. na pala.Kanina pa siya'ng 8:00 p.m. nakahiga pero hindi siya dalawin ng antok.Sa totoo lang excited na excited na talaga siya kanina nga bago siya nahiga ay nag-internet pa siya sa laptop niya ng mga tourist spots na puwede nila'ng puntahan sa Ilocos at talaga namang pictures pa lang ay napapahanga na siya ng pupuntahan nila bukas.

That's right! Tomorrow na ang lakad nila.Haizt...ang bilis ng araw parang February lang nung nag-start sila magplano and yet April na ngayon.

"Good bye muna Manila,see you tomorrow Ilocos," nakangiting usal pa niya sa hangin at marahan niyang ipinikit ang mga mata,ilang minuto pa ay payapa na ang kanyang paghinga palatandaan na nakatulog na siya.

6:00 A.M. ang meet up nila dito sa McDonald's SM MoA pero kulang pa sila ng isa at iyon ay walang iba kundi si Priscilla.

"Oh ano ng balita sa primadonna ng barkada?" Si Franz na medyo iritable na sa kinauupuan,kung si Priscilla ang buzzer beater ito naman ang early bird ng barkada,5:30 pa lang nasa SM MoA na ito.Kaya nga ng dumating sila ay tapos na ito'ng kumain ng 2 pc-Hotcake with sausage na paborito nito'ng breakfast meal sa McDo.

"Naku,nag-text nasa Coastal na raw siya,"si Claudia,ang pangalawang dumating sa meeting place nila.Wala ito'ng tigil sa pagsubo ng french fries, mahilig ito sa junk food,kaya hindi na siya magtataka kung ang mga baon nito ay puro sitsirya.Infairness naman hindi ito tumataba.Sa kanilang lima ito ang pinaka-slim.

"Hanga na talaga ako sa appetite mo,Claud,di ka naman nataba,"may bahid ng pananaghiling wika ni Maya,kumuha ito ng fries na mahaba at inisang subo lang iyon sabay inom ng pineapple juice.Natawa siya ng bigla ito'ng nabulunan.Pinandilatan naman siya ng mga mata ng kaibigan.

"Hehe.Sorry naman Maya,ikaw kasi di mo muna ninguya,"Apologetic pero nakatawa pa rin na wika niya.

Kasalukuyan sila'ng apat na nakaupo sa labas ng McDo,siya man ay tapos na rin kumain ng longganisa meal at sinisimulan na rin niya'ng kagatan ang biniling apple pie.

"Gusto mo?"Alok pa niya kay Priscilla.Umiling lang ang kaibigan.

"Mga ano'ng oras ba tayo darating dun Franz?"Naisipang itanong ni Claud sa kaibigan.Napatingin tuloy sila ni Maya ng sabay sa direksyon ni Franz at tila mga sabik na naghihintay ng isasagot nito.

"More or less 12 hours," tipid na sagot nito.Parehong nanlaki ang mga mata nila ni Maya pero si Claud ay napatango-tango lang.

"Wah! Ang haba pala talaga ng biyahe natin.Hay naku!Matutulog na lang ako niyan mamaya sa bus," Si Maya na hindi napigilan ang biglang mapahikab.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now