Nang araw na iyon pagkatapos nila'ng magpunta ni Maya sa mall ay hindi na nakabalik sa office ang kaibigan, nagpaalam ito na mag-half day dahil sinamaan na raw ito ng pakiramdam kaya heto mag-isa na lamang siya na bumalik sa opisina nila.
Halos kababalik lang niya sa opisina nang tumunog ang telepono na nasa ibabaw ng desk niya. Nagmamadali siya'ng lumapit doon at sinagot ang nasa kabilang linya.
" Hello, this is Takigawa Construction Firm, how may I help you? " Magalang na sagot niya sa kabilang linya. Wala siya'ng sagot na natanggap dahil ilang segundo lang ay nag-hang up na ang misteryosong caller niya.
Napapailing na ibinalik na lamang niya ang awditibo ng telepono at nagpasa na lamang siya na ituloy ang mga nasimulang floor plan para sa iba pa nilang naka-pending na project.
4:45 P.M. tumunog ulit ang telepono na nasa ibabaw ng desk niya. Napakunot-noo pa siya bago nagpasya na iangat ulit ang awditibo ng telepono.
" Hi, this is Laura Frias from Takigawa Construction Firm, how may I help you?" Kaswal na sagot niya sa kabilang linya.
" Hi, sweetheart! Did you missed me?" Masiglang bati ni Philip sa kabilang-linya.
" Teka ikaw ba 'yung tumawag kanina?" Patakang tanong niya sa nobyo.
" Well, so many paper works and meetings na need ng attention ko, I'm having migraine already dahil sa tambak na task ko rito sa office, in short sweetie, I am really busy kanina pa. Why is there someone bothering you?" Nag-aalalang tanong ng nobyo niya.
Napailing siya kahit hindi naman nakikita ng nobyo niya.
" Ah, never mind. Baka wrong number lang 'yun kanina, anyway, bakit pala napatawag ka?" pag-iiba niya ng topic. Napabuntong-hininga naman ang binata.
" I'm sorry to inform you,sweetie that I can not fetch you after your work. I have to attend an important meeting with one of our VIP clients, so it mean mamimiss na naman kita ng isang araw," malungkot na wika ng nobyo niya. Bahagya naman siya'ng natawa.
" Iyon lang ba? Akala ko naman kung ano Philip, don't worry about me. I'll text you once I arrive at the condo, just don't stress your self too much, ayoko'ng magkasakit ka," may pag-aalala na wika niya sa nobyo.
" Every moment that you're not here beside me, it's already a great agony for me, I want to see you now so that I can get rid of this agony, you know that it is you who complete me," madramang wika pa ng nobyo niya sa kabilang linya.
Lihim naman siya'ng nangiti dahil hindi napigilan ng puso niya na kiligin sa mga sinabi ng nobyo.
" I believe you, Philip, pero enough of sweet talks ikaw na nagsabi na busy ka, so we better cut this conversation now," nakangiti pa rin na wika niya sa nobyo.
" Before we cut this conversation off, I wanna here the three magic words, please," malambing pa na hirit ni Philip sa kanya. Hindi na niya talaga napigilan ang matawa.
" Hay naku Philip, ano ba'ng nakain mo at napakasweet mo 'ata sa akin ngayon?" kantyaw niya sa nobyo.
Tumawa naman ang nasa kabilang linya.
" Lagi naman ako'ng sweet sa'yo ah, sige na I am waiting for your words, sweetie," hindi pa rin talaga paaawat si Philip sa pangungulit sa kanya.
Humugot muna siya ng isang malalim na paghinga bago binigkas ang mga salitang nais din naman niyang paulit-ulit na sabihin sa nobyo.
" I love you," Ang medyo pabulong niyang wika. Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya.