Chapter 33: The Heart Stealer

608 5 0
                                    

Ngunit nang malapit na sa kanya ang kotse ay may isang kamay na biglang humila sa braso niya para mailayo siya sa disgrasya. Nanlalaki ang mga mata niya na napatingin sa taong nagligtas sa kanya. Ang magandang babae na nakilala niya sa mall at sa park, ang babaeng nagpakilala sa kanya na Chloe.

" T-thank you," kinakabahan na wika niya sa babae.

" Thank you, naku thank you talaga, I mean thank you for saving my friend from that accident," Si Maya na agad na lumapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Naku okay ka lang ba Laura?Akala ko madidisgrasya ka na kanina, thank you na lang talaga kay Miss Pretty," Nag-aalalang wika ni Maya na ibinaling naman ang tingin kay Chloe.

Matamis itong ngumiti sa kanila.

" It's alright. It's so happen that I was near you and I already saw the car approaching you, that's why I was able to save you," nangingimi pang wika nito.

" Thank you, Chloe. I owe you my life, thank you for saving me," naluluhang wika niya rito at yumakap pa siya sa babae.

" No worries Laura," tipid na ngumiti ito at hinagod na lamang ang buhok niya. " But next time be careful, you have to secure your safety, Laura," pagbibigay pa nito ng paalala sa kanya. Sunod-sunod lang naman ang naging pagtango niya rito.

Sumunod nilang namalayan ay kasama na rin nila si Chloe na kumakain sa paborito nilang restaurant ni Maya.

" Hehe nakakaintindi ka naman pala ng language naming, hay salamat buti na lang hindi na ako mahihirapang mag-english pa," biro ni Maya kay Chloe ng malaman nito na marunong pala si Chloe ng Filipino.

"I used to visit this country so often that's why I have to study your language," tipid na wika nito sa kanila.

" How long have you been here in Philippines Chloe? I mean bumibisita ka lang ba sa Pinas dahil summer?Alam mo na summer destination talaga ng mga foreigners ang bansa naming kapag ganitong season," Excited na usisa pa rito ni Maya.

Masaya lang siyang nakamasid sa dalawa.

" I came here because I have to reconcile with my ex-boyfriend," honest na sagot nito.

" Reconcile with you ex? He's a bastard for letting you go, Chloe, it's his lost not yours," maanghang na komento ni Maya. Natawa naman dito si Chloe at siya naman ay napailing-iling lang. May after-shock pa yata itong si Maya dahil sa muling pagkikita nila ni Gion kaya bitter lang din ito sa mga kwento ni Chloe.

"He's a good man, Maya. And I'm no longer blaming him for leaving me, it's just ...

I have to warn him about some serious matters," nakangiti man ngunit may lungkot sa mga mata ni Chloe.

" You are also a wonderful person, Chloe. You are almost perfect. How can a man leave you alone and choose somebody else? When all that you did was loving him faithfully?" may simpatya na wika niya rin dito.

" Remember what you said about me the last time that we've met? About our heart and our fate, I no longer hold his heart and I no longer against in our ill-fated relationship, that's why I have to set my life free from grief," seryosong wika ni Chloe sa kanila.

Hindi naman siya makapaniwala sa pagiging humble ng babae. Ganito lang ba talaga kadali ang magpatawad? o sadyang tunay na pagmamahal lamang din ang nagturo rito na magpatawad? Hindi niya tuloy mapigilan ang hindi humanga sa babaeng nasa harapan nila ni Maya.

Nagulat naman siya ng may biglang sumisinghot-singhot malapit sa kanila. Si Maya pala. Maluha-luha na kasi ang mga mata nito marahil sa kanina pa ito nakakarelate sa mga kwento ni Chloe.

Midst of SummerWhere stories live. Discover now