Chapter 24:
Sa may garden naman ng XiHanLu Hotel ay may isang lalaki rin na binabagabag ng kanyang kalooban, ito ay walang iba kundi si Philip.
Kagabi pa niya hindi nakakausap si Laura. Alam niya'ng mali ang inasal niya sa harap ng kanyang nobya at sa harap ng matalik nito'ng kaibigan na si Yuan pero paano ba niya pipigilan ang selos na nararamdaman? Lalo pa ngayon na alam na niya na mahal din ni Yuan si Laura.
Paano kung ma-realized ni Laura na mas mahal pala nito si Yuan kaysa sa kanya? Paano kung maagaw ni Yuan si Laura sa piling niya? Paano siya? Makakaya ba niya ang isang araw na hindi nakikita ang unang babaeng gumulo at nagpabago sa takbo ng puso niya?
" Malalim 'ata ang iniisip mo, Philip?" Narinig niya na wika ng isang tinig . Napalinga siya sa paligid at nakita niya ang nakangiting mukha ng mama ni Laura, si Tita Lisa.
" Kayo po pala, tita, pasensiya na hindi ko kayo agad napansin, kanina pa po ba kayo riyan? " Magalang na tanong niya sa nakatatandang babae. Lumapit ito sa tabi niya.
" Tamang-tama lang ang dating ko para mapagmasdan ang pagkabalisa sa gwapo mo'ng mukha, Philip," seryoso ngunit may halong biro rin na wika nito sa kanya. Hindi naman niya naiwasan ang mangiti sa biro nito sa kanya.
" Si Tita talaga, nambola pa," nakangiting wika niya rito. TInapik naman siya ng babae sa kanyang balikat.
" Alam mo, hijo, ano man iyang gumugulo sa isip mo, mas mabuti pa na sabihin mo na lamang sa akin at baka sakaling makatulong pa ako sa'yo," may sinseridad na wika nito sa kanya.
Ilang segundo rin bago siya nakasagot sa sinabi nito.
" Teka, may problema ba kayo ng unica hija ko?" Ang tinutukoy nito ay si Laura.
Bahagya siya'ng tumango.
" Pero ako po ang may kasalanan. Hindi ko poo kasi napigilan ang selos ko," pag-amin niya rito.
Bahagya naman natawa sa sinabi niya ang nakatatandang babae.
" Alam mo hijo, normal lang sa isang relasyon ang paminsan-minsang pagpapakita ng selos lalo pa at mahal mo naman talaga ang anak ko," kapagka'y wika nito sa kanya.
" Pero dahil sa selos ko nasasaktan ko si Laura at maging ang taong mahalaga sa kanya," napatiim-bagang na wika niya.
" Si Yuan ba ang tinutukoy mo na mahalagang tao kay Laura?" Paninigurong tanong nito. Agad naman siya'ng tumango.
" Inaamin ko talaga na pinagseselosan ko si Yuan, pero alam ko na masasaktan si Laura kung pilit ko siya'ng ilalayo sa matalik niya'ng kaibigan," nahihirapan ang kalooban na sagot niya.
" Alam mo hijo, matagal ko ng alam na may gusto rin si Yuan kay Laura. Kung tutuusin nga boto rin ako sa kanya para maging nobyo ni Laura, pero alam ko na hindi gagawa si Yuan ng isang bagay na makakasira sa pagkakaibigan nila ni Laura. Maaaring mahal niya ang anak ko pero mabait na bata si Yuan at hindi niya ipipilit ang nararamdaman niya para kay Laura," komento naman ni Tita Lisa.
" Pero natatakot pa rin po ako na mawala sa akin si Laura. Unang beses pa lamang na nakita ko at nasilayan ko ang maamong mukha ni Laura ay hindi na siya nawala sa isip ko, sinabi ko noon sa sarili ko na ... this girl is mine. And when she became mine I want to be hers forever," emosyonal na wika niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17178438-288-k115764.jpg)