Chapter 6:The Truth Behind Those Lies

488 10 0
                                        

He never thought that he will fall in love with her... Laura is a picture of innocence and purity.Sa maikling panahon na nakasama niya ito ay wala siya'ng maipipintas sa ugali nito;mabait,masiyahin at kahit sila na ay nag-bablush pa rin ito kapag inaakbayan niya o kaya ay kapag hahawakan niya ang isang kamay nito. Kagaya ngayon na naglalakad lang sila sa kahabaan ng shoreline ng dagat sa Pagudpud.

"Bakit nangingiti ka na naman diyan?"pataka pero nahihiya pa rin na tanong nito.Napailing siya.

"Wala lang masaya lang ako at hindi pa rin makapaniwala na tayo na," at kinuha niya ang kamay nito at inilapit sa labi niya para dampian ng isang halik. Agad naman ito'ng nag-blush.

"Hwag mo nga ako'ng tignan ng ganyan at baka matunaw ako rito,"korny na biro pa niya rito. Tumawa lang ang babae sabay hampas sa braso niya.

"At paano ka matutunaw di ka naman ice cream," kantyaw nito sa kanya.Lalo lang lumapad ang ngiti niya rito.Ganito ba talaga kapag in-love normal na ang maging korny at mababaw ang kasiyahan?

Hinila niya ang babae palapit sa kanya para yakapin ito ng mahigpit.

"Oh Laura,sa'yo lang ako naging masaya kagaya nito,ikaw ang kaligayahan ko," bulong niya rito habang dinadampian ng mumunting halik ang tuktok ng ulo nito.

Gumanti rin naman ng yakap ang nobya niya.

"Maging ako man Philip sa'yo ko lang ito naramdaman,masaya pero natatakot pa rin ako," wika nito na may bahid lungkot sa tinig.

"Ssshhh... don't worry too much,sweetheart.Nandito lang ako,nagmamahal sa'yo," Sincere na wika niya rito.Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi.Nakita niya ang mga namumuong luha sa gilid ng mga mata nito. Tila kinukurot naman ang puso niya...this woman doesn't deserve to cry.

Walang babala na ginawaran niya ito ng marahang halik sa kaliwang cheekbone nito kung saan unang pumatak ang luha nito.

"Philip,sa maikling panahon minahal kita at paano kung sa maikling panahon lang din tayo magsama?" Luhaang wika nito."Natatakot ako na iwan mo. Pagod na rin ako na iniiwan ng mga taong mahal ko," at hinawakan nito ang kamay niya at marahang inilayo sa mukha nito.

Humarap ito sa malawak na karagatan at tumanaw sa malayong bahagi niyon kung saan halos papalubog na ang araw.

"I always have the fear to fall in love dahil sa klase ng buhay na mayroon ako,"Pasimulang kwento nito. "Nag-iisa ako'ng anak ni mama.Pero si mama 3rd wife na siya ni papa. Hindi sila kasal dahil hindi naman annulled si papa sa una niya'ng asawa.Sa madaling-sabi isa si mama sa mga kabit ni papa.Pero ang madalas sabihin ni mama,mahal niya raw kasi si papa kaya niya nagawa 'yun," saglit nito'ng pinutol ang sinasabi at humugot ito ng malalim na hininga.Bahagya rin nito'ng pinunasan ang mga luha na naglalandas sa makinis nito'ng mukha.

Lumapit siya sa gilid nito.Siya man ay tumanaw sa bahaging tinatanaw nito.

"Mabait si papa.Madalas niya sabihin sa amin ni mama na kami talaga ang mahal niya.Na kaya lang siya nagpakasal sa una ay dahil sa isang arranged marriage. Chinese kasi si papa,alam mo na,uso pa sa panahon nila ang ganun set up,"pilit ito'ng ngumiti ng bumaling sa gawi nya.

"At ang bunga ng love story nila ay ako,isang anak na buong buhay na lamang makikihati sa atensyon at pagmamahal ng papa ko.Kaya nasabi ko noon sa sarili ko na hindi ako magmamahal sa isang lalaki na gagawing kumplikado lamang ang buhay ko.Kaso dumating ka at makulit ang puso ko sa pagsasabing mahal na kita," pahayag ng babae,muli ay ngumiti ito sa kanya.

Napalunok naman siya ng laway, dahil ng mga sandaling 'yun ay parang may nagbara sa lalamunan niya.Marami siya'ng gusto'ng sabihin dito pero hindi niya alam kung paano sisimulan.

Midst of SummerStories to obsess over. Discover now